Chapter 10 _ Ang unang Babala

684 23 0
                                    


Yeah, you can say na ang kwentong ito ay nagawa dahil sa isang certain animated movie na gustong-gusto ko.

Enjoy readers!

===========================================================



"Sino-sino ang mga sikat na halimaw sa kasaysayan noon at ngayon?" ang tanong ng guro nila sa history na si Sir Skeleton.

Yeah, from the name itself. Skeleton nga lang ang guro nila ngayon. Ang wierd nga dahil suot nito ang damit ng mga guro sa akademyang yun gayong wala namang kailangang takpan. Buto-buto lang naman ito.

Walang nagsalita sa buong klase.

Ewan lang. pwedeng hindi alam ang sagot o pwedeng hindi sure sa isasagot.

Naghintay sandali ang guro pero walang nagtangkang mag-taas ng kamay.

"Ilan ba sila?" bulong ni Erena sa kapatid.

"Lima ata," sagot ni Gera.

"Hoy. Hindi sa Hotel Transylvania ang mga sagot." Sita ni Enjeru sa dalawa na napatingin lang sa kaniya.

"Yun ang naiisip namin eh. Basta ako, sure ako na sikat sina Dracula at Frankenstien." Sagot lang ni Erena.

"At sino naman yung tatlo?" si Gera.

"Ewan. Gawan niyo na lang." aniya sa dalawa.

Tumingin sa kanila ang guro ng hindi nila napansin.

"Yes, kayong tatlo diyan."

Nagulat sila lalo na ng magtinginan sa kanila ang buong klase.

Nagkatitigan muna sila bago nagpasyang si Enjeru ang ipain.

Tutal ito naman ang mas matanda eh.

"Yes, Enjeru?"

"Uhm Sir, Sina Dracula po, Frankestien, Invinsible Man, Werewolf pati na din si Mummy."

Ganoon na lang ang gulat niya ng magtawanan ang buong klase. Namangha naman ang guro.

Bakit? Mali ba siya?

Tinitigan niya ang mga pinsan at nagkibit-balikat lang ang dalawa. Parang nagtataka pa eh.

"Mali po ba ako?" tanong niya sa guro.

"Nanonood ka ng Hotel Transylvania noh?" tanong nito.

Napangiti siya saka naupo.

"Ok class, let's talk about that movie." Binalingan nito ang buong klase.

"Wag daw ang Hotel Transylvania," ang wika ni Erena. Inirapan lang niya ito saka niya sinustsutan si Mun.

"Ano daw sagot?"

"Sina Count Dracula at Frankenstien lang yung mga sikat." Sagot nito.

"Hindi kasali yung tatlo?" tanong ni Gera.

Umiling lang ito.

"You know what class, that movie is a good example of us. Hindi naman talaga tayo ang masasama eh."

Wow naman si Sir. Bakit ba nila pinag-uusapan ang movie na yun? sosray din ah. Nanonood ng gawang tao ang mga ito.

"Maganda na sana yung pilikula pero ang hindi ko lang matanggap ay yung part na tao ang nakatuluyan ng anak ni Dracula." Patuloy nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now