Chapter 96 _ Laban Pa

202 14 0
                                    



Nasa kalagitnaan ng pakikipaglaban pa si Vam ng madinig niya ang tili ni Erena. Mahina yun at hindi masyadong madinig pero nadidinig niya lalo pa't isa siyang bampira.


"Si Erena," aniya sa dalawa na abala pa rin. "Nasa panganib sila." Naging mas agresibo siya.


"Nagkakagulo ang mga halimaw na ito." Inis na sigaw ni Loo. Gumawa ito ng malaking fox fire sanhi para mapaso ang mga demonyo. Iba ang fox fire sa apoy na nakasanayan ng mga ito.


Mabilis silang tumakbo papasok.


Mga mahihinang sigawan na ang nadidinig nila. Hindi nila maintindihan ang mga yun pero alam nilang nagkakagulo na.


Dahil doon ay binilisan nila ang pagtakbo. Hindi natigil ang tunog na wari'y nagkakagulo pa. May parang humahagulhul at may nagmamakaawa naman.



Habang lumalapit sila ay lumilinaw na sa pandinig nila ang sinasabi ng mga ito. At habang nangyayari yun ay mas lalo silang kinakabahan.


Kasunod non ay ang nasasaktang sigaw ni Enjeru.


Yumanig ang paligd na ikinahinto nila. Dilkadong gumuho ang kweba na yun.


Maya-maya ay mga ungol, sigaw at pagmamakaawa ng napakaraming nilalang ang mahinang nadidinig nila.


Nabuksan ba ang pinto?


Ipinagpatuloy nila ang pagtakbo sa pag-asang may maaabutan pa sila.


Tumawa ng malakas si Conrado at nadinig nila ang parang baliw na pahayag nito kahit mahina lang.


Dinig nila yun at nagbigay yun ng pag-asa sa kanilang buhay pa ang tatlo.


Ngunit nayanig sila ng kasunod na sigaw na yun.


Pangalan ni Enjeru ang binanggit at muli na namang lumindol.


Hindi agad sila nakakilos na tiningnan si Loo. Nakatulala ito na iginagalaw ang teynga. Wari'y mas pinapakinggan.


Seryoso ito pero nag-aalala.


"Loo, tayo na!" tawag ni Civ.


Mabilis silang nagpatuloy.


Lintik lang! ang haba-baha ng kwebang yun.




~~~~~~~~


"Enjeru! Gumising ka. Hoy! Wag ka namang ganyan." Ang umiiyak na tawag ni Gera sa pinsan na ngayon ay nakahandusay na sa ginawang illuminati ni Conrado.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now