Chapter 155_Totoong Motibo

115 18 0
                                    


"Well, yun na ang desisyon ni Gera." Wika ni Enjeru.


Pinagmasdan lang niya si Civ na nakadapa sa mesa. Malinis na ulit ang mesa ng hapagkainan. Kitang-kita nila ang lahat ng nangyari. Para nga lang silang nanonood ng sine eh.


Hindi niya alam kung paano nagagawang kontrolin ni Shiro ang buong bahay at nakalikha pa ito ng ilusyon. Pareho nitong dinala sina Civ at Gera sa ilusyon na yun at yun nga ang nangyari.


"Nakadapa ka ba dahil nahihiya kang nakita namin ang lahat o dahil nabigo ka kay Gera?" tanong ni Vam sa kaibigan. Nagpipigil pang matawa ang siraulong bampira.


"Wag mong asarin." Asik ni Erena sa kasintahan.


"Lubayan niyo na lang ako." asik lang ni Civ sa mga ito.


Hindi na napigil ni Vam ang matawa ng malakas. Tinitigan lang nila ng masama ang bampira. "Sorry," sagot nito na pinigil na matawa. "Hindi ko lang kasi akalain na si Civ ang mabibigo sa lakad na ito eh."


"Erena, palabasin mo nga ang gagong yan. Di nakakatulong eh." Wika ni Mun dito.


"Sorry, hindi na." Tumigil naman agad si Vam pero nagpipigil pa rin itong matawa.


"Wala na tayong magagawa doon, Civ." Wika ni Loo sa kaibigan. "Sinabi na sayo ni Gera ang pagpapasya niya. Tanggapin mo na lang yun."


"So na-realize mo na kaya ka hindi maka-move on kay Meriam ay dahil hindi mo nasabi sa kaniya kahit sa huling pagkakataon?" Tanong ni Anjiri sa pusa.


"Hindi niya kasi naipalabas kahit punong-puno na kaya wala ring nakapasok na bagong pagmamahal." Seryosong sambit ni Enjeru. Maya-maya ay natawa ito ng maiksi pero agad naman nitong pinigilan kahit parang nahihirapan na ito.


"Okay, okay." Asik ni Civ sa mga kaibigan. "Hindi niyo man lang ba ako dadamayan? Ako ang binigo dito eh."


"Di quits na kayo ni ate." Kibit balikat na sagot ni Erena. Nagpipigil na ring matawa.


"Gago talaga ang Shiro na yun. Ginawa pa talagang sine ang lahat." Napasigaw sa inis si Civ dahil nagtawanan na ang mga lintik na kaibigan. Kanina pa nagpipigil ang mga ito eh. Kahit nga si Loo ay natawa na rin.


"Ayos lang yun. Naki-sine rin naman kaayo sa amin eh." Sagot ni Mun sa kaibigan.


"Oo nga." Sang-ayon ni Anjiri.


"Nga pala, nasan sina ate at Shiro?" natanong ni Erena ng hindi na niya mapansin ang dalawa. Kanina lang ay naroon ang mga ito.


"Siguro nagmo-moment dahil tutal, engage na naman sila eh." Makahulugang sagot ni Enjeru. Binigyan niya ng makahulugang tingin ang mga kaibigan na nagpigil lang matawa. Si Civ lang marahil ang hindi nakapansin non dahil todo simangot na ito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon