Chapter 41 _Kaligtasan ng Pagkagat

313 19 3
                                    


Hinawakan ni Vam ang magkabilang balikat ni Erena saka nito pinaupo ang babae. Itinabingi nito ng bahagya ang ulo ni Erena saka inalis ang ilang hibla ng buhok sa kanang leeg.


Oo, kakagatin niya si Erena at sisipsipin ang dugo para mawala ang lason. Pero syempre ay hindi naman niya uubusin ang dugo ng babae.


Bumuntong-hinga lang si Anjiri para kalmahin ang sarili habang si Mun naman ay inaaangan ang posibleng mangyari kay Vam.


Inilapit na ni Vam ang bibig sa gilid ng leeg ni Erena. Nakita ni Anjiri kung paano nito pasimpleng inamoy ang leeg ng bago bago ito ngumanga. Kitang-kita niya ang matutulis na ngipin nito ng tuluyan na yung dumiin sa laman ng babae.


Nadinig niya ang nasasaktang ungol ni Erena. Humigpit naman ang yakap ni Vam sa babae.


Halatang uhaw na uhaw ito pero may kasamang ingat ang ginagawa nito. May kasamang pagdahan-dahan at pag-kontrol sa pwedeng mangyari.


Tiningnan niya si Mun. Nakatitig ito kay Vam habang tinatanggal nito ang pagkakabuhol ng benda sa magkabilang kamay. Para bang alam na nito ang uri ni Vam kapag ganoon.


Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Vam kay Erena. Halos tumagos na ang kuko nito sa laman ng babae, kung wala lang sana ang damit ay baka bumaon na yun ng tuluyan.


Napansin na din niyang naalarma na si Mun. Yun na ba? Naging mas agresibo na ba si Vam at nawawalan na ito ng kontrol?


"Vam," tawag ni Mun pero hindi ito nakinig. "Vam!" mas malakas. Pero hindi ito tuminag.


Ang kaninang kulay ni Erena ay naging maputla na. Isang senyales na pwedeng nauubusan na ito ng dugo na mas dilikado.


"Vam, tama na yan!" naisigaw na din niya pero niyakap pa nito lalo ang babae. Para bang wala na itong planong pakawalan hangga't hindi ito matuyuan.


Mabilis na inalis ni Mun ang pagkakabenda sa kamay. Kusa yung gumalaw at agad yung itinali kay Vam.


Hindi alam ni Anjiri kung paanong humaba yun ng tuluyan at natabunan non si Vam saka nito hinila palayo kay Erena.


Tagumpay naman na nailayo nito ang bampira at naiwan doon si Erena na napahiga.


Mabilis niya itong sinuri kung humihinga pa ba ito.


"Ayos lang siya?" tanong ni Mun.


Tumango lang siya. "Mas nakabuti nga ang nangyari eh. Mukhang gumaan ang pakiramdam niya. Si Vam?"


Pareho nila itong tiningnan.


Ito rin ay wala ng malay. May mantsa ng dugo sa mga labi nito at kita nila sa itsura nito na parang nasasaktan.



~~~~~~~~~~


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now