Chapter 151_Di inaasahang bisita

124 16 0
                                    


Tumingin sa likuran si Gera ng mapansin niyang may tauhan sa labas ng silid.


"Binibini, may dala akong meryenda para sayo." Boses yun ng isang kawani.


"Pakidala na lang dito."


Bumukas ang pinto saka ito pumasok. Itinabi nito sa kaniya ang pagkain bago ito nagpaalam.


"Ah, siyanga pala." Tawag niya. "Nakita mo ba si Shiro?"


"Oo, may pinagkakaabalahan lang siya saglit."


"Ganoon ba? Sige, salamat."


"Maiiwan na kita." Saka ito lumabas ng silid at naiwan siya doon.


Kinuha ni Gera ang isang rice cake saka niya yun sinubo habang nakatingin siya sa labas. Nasa balcony siya ng silid at pinagmamasdan ang magandang bayan. Simple lang yun at payapa. Napakagaan sa pakiramdam. Nasanay na rin siya sa pulang kalangitan. Magdadapit hapon na kaya meryenda ang ibinigay sa kaniya.


Sa katunayan ay naging maayos ang pananatili niya doon sa loob ng apat na araw. Hindi niya makalimutan ang ginawa ni Civ pero kahit papaano ay hindi na niya gaanong nararamdaman ang sakit ng pagkabigo.


Isa pa, naging mabuti sa kaniya si Shiro.


Daig pa niyang prinsesa sa lugar na yun dahil todo asikaso ang mga kawani sa kaniya. Kapag may oras ay sinasamahan siya ni Shiro doon. May pinagkakaabalahan kasi ito.


Sa katunayan ay nag-aalala siya sa kapatid at pinsan niya. Baka kasi hinahanap na siya ng mga ito. Pero sabi naman sa kaniya ni Shiro ay dinalhan nito ng sulat ang dalawa para sabihing naroroon siya at nagpapahinga. Kaya kahit papaano ay nakaka-relax siya doon. May isa pang dahilan kaya ayaw muna niyang umalis doon eh.


Pagkatapos ubusin ang rice cake ay uminom siya ng tsaa. Tumingala siya sa kalangitan at may napansin siyang itim na marka doon.


Alam niya kung ano yun. Ipinaliwanag na sa kaniya ni Shiro kung ano yun at naiintindihan niya.


Marami silang napag-kwentuhan ni Shiro at sa totoo lang, hindi ito boring kausap. Napakadaldal nito at sobrang masayahin. Isa sa bagay na nakakamangha sa totoo lang. Kahit nga siya ay nakakalimot sa lungkot niya sa tuwing nakikipag-usap siya dito.


Naging inspirasyon niya itong wag maging malungkot at wag magpadala sa sakit ng nararamdaman dahil alam nito. Para kasing napakadali lang nitong dalhin ang ganoong pakiramdam. Sa katunayan ay naiingit nga siya sa lakas ng loob nito eh.


Sana nga balang araw ay magkaroon siya ng lakas ng loob na tulad nito.


"Speaking of, ano nga ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon?" Natanong niya sa sarili ng maalala si Shiro. Tumayo siya saka naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya yun para silipin kung may kawani ba pero wala naman siyang napansin.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon