Chapter 3_ Ang mga Studyante

1.4K 48 6
                                    

Enjoy!

=========================================================



Bumulabog sa buong paaralan ang naglalakasang tili ng mga kababaihan.

Hindi sound proof ang mga silid doon kaya natural na dinig na dinig sa paligid ang tili na hindi pangkaraniwan sa lugar na yun. Tahimik ang paaralang yun lalo na dahil sa sinusunod na batas at pagdidisiplina.

Isa na sa batas ang pagsigaw. Higit na punagbabawal ng patakaran ang pagsigaw sa kahit na saang bahagi ng paaralan. May higit na parusa ang katumbas non.

At kung sino man ang nagsisigaw na yun?

Patay kang bata ka.







~~~~~~~~

Bumulabog ang malakas na pagsara ng pinto.

Dali-daling kinandado ni Erena ang pinto ng buong taranta. Nanlalaki ang mga mata at takot na takot. "A-anong gagawin natin?" Binalingan niya ang dalawa.

Inihagis ni Gera ang kumot sa sahig mula sa nakasapin sa bawat higaan. Ramdam na ramdam ang taranta.

"Tatakas, ano pa?" sagot lang niya.

Tinulak naman ni Enjeru ang aparadur ng buong lakas. Tinulungan siya ni Erena at tinulak nila yun paharang sa pinto.

Pinagbuhol-buhol ni Gera ang dulo ng mga kumot.

Nagsigawan sila ng maging sunod-sunod ang katok sa pinto.

Lalo silang nataranta.

"Ate, bilis!" sigaw ni Erena na natataranta na.

"Sandali lang okay?" pinilit nitong kumalma pero halatang nanginginig pa rin sa pagbubuhol. "Sure na ba talagang tatalon tayo sa bintana?"

"Alangan namang hindi? Hindi tayo pwedeng dumaan sa pinto noh?" sagot ni Enjeru.

Nagulat sila na agad hinarangan ang aparadur ng mas lumakas ang kalabog ng pinto.

"Buksan niyo ang pinto." ang sigaw ng boses sa labas. Hindi nila kilala yun pero nasa boses ang pagiging strikto.

Nakapag-trigger yun lalo ng taranta nila.

"Erena, bantayan mo yang aparadur. Gera, ipagpatuloy mo yan!" Naglakad si Enjeru sa may bintana.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Erena.

Inalis ni Enjeru ang mga bagay na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng higaan. Binuhat niya yun sabay hagis sa bintana.

Nagulat ang dalawa lalo na ng madinig nila ang lagabog ng mesa sa baba.

Dahil doon ay mas lalong lumakas ang lagabog sa labas ng pinto.

FREEZE!

Ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanila at tarantang-taranta sila?

Sila rin yung nagsisigaw kanina na ikinabulabog ng paaralan.

At hindi sila tumatakas ngayon dahil sa takot na maparusahan.

Kung ano ang nangyari?

Let's rewind!



*Rewind*



"Anong ibig sabihin niya?" takang tanong ni Erena sa dalawa pagkatapos na lumabas ni Mr. Vermillion.

May kakaibang ngiti ito na hindi nila maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin. Iba rin ang kislap ng mga mata nito.

"Malay," nagkibit-balikat lang ang dalawa.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now