Chapter 185_ Kilos-kilos din

127 13 0
                                    

Kinabahan siya ng wala sa oras at mabilis niyang tiningnan ang bumungo para lang malamang isang halimaw pala yun.

Nagulat pa ito. Marami itong dalang gamit.

"Naku! Pasensiya na sa inyong dalawa." Nakangiwing paumanhin nito bago nagmamadaling umalis.

Nadinig niya bigla ang mahinang tawa ni Tigress kaya nilingon niya ito.

"Naalala ko tuloy ang ginawa ni Enjeru noon. Kung paano niya tayo ipaghiwalay kapag magkasama tayo." Nakangiting sambit nito.

Ibinalik na lang niya ang paningin sa daanan.

Akala nga niya si Enjeru yun eh.

"Nakaka-miss din ang isang yun ha?"

"Matanong ko lang,"

"Ano yun?"

"Ba't hindi mo pinapatulan ang mga pambabara at pang-aaway niya sayo noon? Alam kong marunong ka ring magalit."

Marami talaga ang nako-curious kumbakit di ito nagagalit. Hindi naman ito ganoon ka-bait diba?

"Well, nakakainis din ang mga ginagawa niya. Kaya lang sa pagkakataong yun, takot ako eh."

"Takot kang kalabanin siya?"

"Hindi. Takot akong mas kakampihan mo siya, Loo."

Manghang tiningnan niya ito at sumalubong sa kaniya ang maamo nitong ngiti.

"Paano mo nasasabing mas papanigan ko siya?"

Tinuro nito ang mata niya. "Hindi nagsisinungaling ang mata, Loo. Kahit mag-mukha ka mang robot, may nababasa pa rin sa mga mata. At sa pagkakataong yun, noon, unti-unti ka ng humahanga sa kaniya." nagulat siya. "Syempre, humahanga din ako noh? Siya lang ang lantarang gagawa non." Tumango pa ito.

Tumango siya.

Syempre sang-ayon siya sa huling sinabi nito.

"Kaya nga hanga ako sa pagpapaalis mo sa kaniya para pumunta sa Paris."

Nagtaka siya. "Nagbibiro ka ba? Marami nga ang di sang-ayon sa ginawa ko."

"Dahil alam nilang napipilitan ka lang. Gusto mo siyang mapabuti pero sa totoo lang, ayaw mo naman talaga siyang umalis diba?"

Hindi siya sumagot. Ba't ba ang dami nitong alam sa kaniya.

"Ba't nga ba hindi mo siya pinigilan? Ba't di mo sinabi na gusto mo siya?"

Bahagya siyang napasimangot sa huling sinabi nito.

"Wag ka ng magkaila. Alam ng lahat ng halimaw sa paaralan na ito na gusto mo si Enjeru. Ikaw lang itong denial. Para kang nagpipigil eh. Para kang may kinatatakutan kaya wala kang ginagawa. Ano nga ba ang kinatatakutan mo?"

"Isang bagay."

"Ang taboo?"

"Siguro."

"Nabiktima ka na ba ng taboo dati?"

Matagal bago tumango si Loo. "Nakita ko ang bagsik ng isang taboo. Kaya naniniwala akong totoo yun."

May pagkamangha sa anyo ni Tigress habang nakatingala sa kaniya. "Nagkagusto ka sa isang tao dati?"

"Siguro, siguro hindi— tika!" nilingon niya si Tigress. "Ba't ko ba sinasabi ito sayo?"

Ngumiti ito. "Dahil magkaibigan tayo, diba?" di nagbago ang ekspresyon niya. "O come on, Loo. Sinong kaibigan ba ang sinabihan mo ng bagay na ito? Gaano katagal mong kinikimkim ang bigat ng nararamdaman mo? Alam ba ito nina Vam? May nakakaalam ba ng bagay na yan?"

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt