Chapter 18 _Simulan ang Paligsahan

436 21 0
                                    

"Happy Holloween sa atin lahat." Ang bati ni Count Dracula ng tumuntong ito sa ginawang stage.


Si Count Dracula the Original.


Yung totoo.


Tulad nga ito ng mga napapanood nila.


Nagsigawan tuloy sa tuwa sina Enjeru dahil sa wakas ay nakita rin nila ito. Napapatingin na sa kanila ang mga halimaw doon.


Hindi nila mapigilan yun. Count Dracula eh.


Pero hindi naman sila pinansin ng guro.


"Tulad ng mga nakagawiang patimpalak sa mga nakaraang taon, gagawin din natin ito ngayon. Kaya lang, sa ngayon, mas spesyal ito, mas dilikado at mapanganib pero yun ang gusto niyo diba?" naghiyawan ang mga halimaw. "Mabuti pero hindi natin ito gagawin ng mag-isa. Masyado itong mapanganib kaya may ginawa kaming tigda-dalawang numero. Bubunot kayo ng numero. Kung sino man ang kaparehas ng numero niyo ay sila ang magiging partner niyo sa patimpalak na ito. Mamaya ko na sasabihin ang gagawin kapag nakabunot na ang lahat."


Kaagad silang pinapila ng guro doon para bumunot.


Madilim na ng matapos silang magbunutan. Oras na rin para malaman nila kung sino-sino ang magpapares.


"Wow! Astig, gusto ko ang numerong ito." ang masayang sambit ni Enjeru ng makita ang numero.


Nagtaas lang ng kilay si Erena sa nakitang numero at wala namang imik si Gera.


"Sa numerong ito, tiyak kong magugustuhan ko ang kung sino mang ka-partner ko." aniya.


"Paano kung hindi mo magustuhan?" tanong ni Gera.


"Believe me insans. Hindi pa ako na-bring down ng swerting numero na ito." aniya lang.


Nakita nilang palapit ang grupo ni Vam kaya agad niya itong sinalubong. Well, actually, si Loo lang ang nilapitan niya.


"Loo, anong numero mo?" excited na tanong niya dito.


Imbis na sumagot ay itinago lang nito ang numero at tinitigan siya ng masama. "Inaasahan mo bang magkakatugma tayo?"


"Magsisinungaling ako kung sinabi kong hindi. Siguradong matino kang kasama kaya why not, diba? Ipasilip mo sa akin. Silip lang eh." Pangungulit niya.


"Hoy, Enjeru. Wag mo ngang kulitin yan." Saway ni Gera sa kaniya.


Tinitigan niya ang pinsan saka niya sinutsutan si Civ. Napatingin naman sa kaniya ang pusa. "Number five ang numero ni Gera." Sumbong niya.


Nagulat si Gera. Agad niyang tiningnan si Civ. Nakatingin na din ito sa kaniya at ipinakita ang numero nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now