Chapter 22 _Ang Paanyaya

417 17 0
                                    

Kinabukasan, hindi na sila nagtataka kumbakit hindi man lang sila pinansin ng mga ito. Marahil nga ay totoong pinanindigan ng mga itong wag silang pansinin. Na bahala na sila sa buhay nila.


It's not like mamamatay sila ng hindi pinapansin ng mga ito. Kung hindi sila papansinin ng mga ito eh di, di rin nila papansinin ang mga ito. Walang pansinan kumbaga.


Kaya naman, buong klase silang hindi nag-kipagkibuan sa grupo ni Vam na hindi naman nangyayari. Madalas kasi ay kahit sa gitna ng klase ay nakikipag-chikahan sila sa grupo ng mga ito.


Pero ngayon, wala na.


"Nag-away ba kayo?" tanong ni Brain sa kanilang tatlo na tinuro pa ang hanay nina Vam.


"Hindi ah! Ba't mo naman nasabi?" ang sagot ni Erena dito.


"Kasi hindi na kayo nagkikibuan simula kanina. Hindi naman ganon yun eh!"


"May nangyari siguro kahapon sa Holloween!" komento ni Pu.


"Nagkapikunan?" dugtong naman ni Sit.


Chesmusang mga halimaw to ah!


"Walang away," sagot lang ni Gera.


"Talaga?" pangungulit pa rin ni Brain.


"Minsan naman nakakapagod makipag-usap diba?" bigla ay sagot ni Vam.


"Excuse me, hindi ikaw ang kausap niya." kontra naman agad ni Erena.


"Kasali din ako noh?"


"Hindi ka kasali. Wag ka ngang epal."


"Eh ba't ba ang damot mo sa usapan?"


"Eh kasi hindi ka naman talaga kasali."


"Tumigil nga kayong dalawa." Inis na asik sa kanila ni Mun. Nahinto naman ang dalawang panig. "Tulad pa rin kayo ng dati eh,"


Nagpailing na lang si Gera na tiningnan ang pinsan sa likuran. Salo nito ang ulo na nakatulala pa.


Alam niyang nag-iisip ito ng malalim. Marahil tungkol sa nalaman kagabi at tungkol sa sinabi ni Loo. Tiningnan din niya ang alamid na, the usual, natutulog lang din.


Napaka-mesteryoso talaga ng dating sa kanila ng grupo ni Vam. Tuloy ay lalo silang napapasa-isip.


"Pinsan, anong iniisip mo?" tanong niya dito. Hinayaan na lang niya ang kapatid ba makipag-talo kay Vam. Normal na naman sa dalawa yun eh.


"Iniisip ko kung susubukan ko ba yung Red Cheese sa cafeteria,"


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now