Chapter 175_ Salita ng Ate

141 15 0
                                    

"Nagpa-iwan si Vam sa bahay nila para harapin ng mag-isa ang problema sa pamilya. Panahon na din para harapin niya ang mga ito pagkatapos ng mahabang panahon." Ang pagku-kwento ni Civ sa babae.

"Isa pa, ayaw muna niyang magpakita sayo dahil sa kadahilanang napatay ka niya. Hindi niya kayang patawarin ang sarili niya kaya nagpaiwan siya." Dugtong ni Mun.

Naikunot ni Erena ang noo.

Pagkatapos siya nitong gawing bampira ay pinauwi sila nito at nagpaiwan ito.

Sa katunayan ay wala naman itong kasalanan eh. Siya ang lumapit kahit may pagkakataon pa siyang tumakbo. Pero takot siyang iwan ito kaya di niya ginawa.

Maya-maya ay kung ano pa ang gawin ng pamliya nito dito.

Saka hindi naman ginusto ni Vam na kagatin siya eh. Nawala lang talaga ito sa katinuan. Hindi naman nito kasalanan kung ipinanganak itong ganoon eh.

Tiningnan niya ang braso niya. Nawala na ang sugat ng saksak ni Hughbert.

"Inaway mo ba siya?" tanong niya sa kapatid. Tiningnan niya ang kapatid na nakatitig lang sa kaniya.

"Oo naman. Sinong ate ba ang hindi magagalit kung pinatay ang kapatid niya?" balik tanong nito.

"Paano nong tapos na niya akong gawing bampira? May sinabi ka ba?"

Hindi ito sumagot.

"Anong sinabi mo?" Nag-aalala siya sa pananahimik nito.

"Dala lang yun ng galit, Erena." Ang sagot nito.

"Anong sinabi mo?"



~~~~~~~~~~

Inis na tinulak ni Gera sa Vam ng makawala siya kay Civ. Mabilis niyang niyakap ang kapatid.

"Kinagat mo na nga ang kapatid ko ay gagawin mo pa siyang bampira? Hindi ka pa nadala na pinatay mo siya, Vam?"

"Gera," pinigilan ni Civ ang galit na babae.

"Ayaw ko lang siyang mawala, Gera."

"Tumigil ka. Simula ngayon ay ayaw kong lumapit ka pa kay Erena. Bampira man siya o hindi, wala ka ng karapatan sa kaniya. Inubos mo ang tiwala ko, Vam. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo."



~~~~~~~~~~~~~

"Hindi mo dapat sinabi yun." mahinahong sambit ni Erena sa kapatid.

Hindi sumagot si Gera.

"Alam mong hindi sinadya ni Vam na patayin ako. Nahulog lang siya sa patibong ng mga kaanak niya. Alam kong hindi niya ginustong kagatin ako. May pagkakataon akong tumakas pero di ko ginawa kaya hindi lang siya ang may kasalanan sa nangyari." Nagagalit si Erena sa ginawa ng kapatid. Pero hindi naman niya ito masisisi kung nagalit ito. Naiintindihan niya ito.

Well, at least hindi nito binugbug si Vam di tulad ng ginawa niya kay Civ.

Mas gago naman kasi ang ginawa ni Civ eh.

"Galit ako." sagot ni Gera sa kaniya. "Hindi mo ako masisisi kung magalit ako, Erena."

Bumuntong-hinga lang si Erena saka siya tumayo sa kama.

"Saan ka pupunta, Erena?" pigil ni Anjiri sa kaniya.

"Babawin ko si Vam." Desidido niyang sagot.

"Dilikado, Erena." Si Mun.

"Hindi na ngayon. Wala na silang magagawa dahil bampira na ako. Ano pa ang pwede nilang gawin para saktan si Vam?"

"Wag kang padalos-dalos. Pwede ka pa rin nilang patayin. At sa pagkakataong ito, wala ng pagkakataon para mabuhay ka pa ulit." Hinarangan siya ng kapatid.

Tinitigan lang ni Erena ng kapatid. "Ate," hinawakan niya ang balikat nito. "Mahal ko si Vam. Hindi ako papayag na iwan siya doon at inaapi ng pamilya niya. Hinayaan kitang pakialaman kami ni Vam pero hindi ako papayag na pakialaman mo ako ngayon. Kahit ate kita, hindi kita mapapatawad kapag naghiwalay kami dahil sayo."

Hindi nakapagsalita si Gera.

"Pakiusap," may pagmamakaawa sa mukha nito. "Sunduin natin si Vam, ate." Nagsimula siyang maluha. "Hindi maganda ang trato nila kay Vam. Naaawa ako sa kaniya. Hindi ako papayag na maiwan siya doon ng nag-iisa at inaapi ng sarili niyang pamilya."

Napatitig lang si Gera sa kapatid. Puno ng pagkamangha ang mukha niya habang nakatitig dito.

Namamangha siya dahil ibang-iba si Erena sa naalala niya.

Hindi na ito nagpadala ng matinding emosyon nito.

Inaasahan niyang magagalit ito sa ginawa niya kay Vam pero kalmado lang ito. Kahit nga ngayon na pinipigilan niya ito ay kalmado lang din ito.

Basang-basa niya sa mga mata nito ang pagmamahal sa lalaki. Wala siyang nakikitang galit doon. May pagmamakaawa ito sa kaniya.

Hinila ni Gera ang kapatid saka niya ito niyakap.

Nagbago na ito. Nag-mature ng bahagya. Dahil ba yun sa pagiging bampira nito? O dahil yun sa impluwensiya ni Vam. Hindi niya alam, bagamma't kinakabahan siya dahil parang mas nagmature pa ito kesa sa kaniya.

"Hindi ka pupunta doon ng mag-isa." Mahinahong sambit niya sa kapatid para patahanin ito. "Kaibigan natin si Vam at tayo ang pamilya niya."

"Hindi kayo pupunta ng kayo lang." agaw pansin ni Civ. "Pupunta tayo doon at sunduin siya."

Tumango lang ng sabay sina Loo at Mun.

Biglang tumikhim si Eugene.

Sabay-sabay nilang tiningnan ang matanda na seryoso lang na nakatingin sa kanila.

"Lolo, please." Pakiusap ni Erena sa matanda na nagtaas lang ng kilay. "Hindi natin pwedeng iwan si Vam doon."

"Wala naman akong sinasabi eh." Natawa ito ng maiksi. "Mag-iingat kayo."

Natuwa sila dahil pumayag din ito.

"Nga pala, alam na ni Enjeru ang nangyari kay Erena?" tanong ni Gera kay Loo.

"Tumawag ako. Binabaan niya ako."

"Classy," natawa lang si Gera. "Anong sinabi niya?"

'Bakit ka napatawag? Hindi mo ba ako tatantanan? Bibigyan mo pa rin ba ako ng dahilan na umasa sayo kahit na binasted mo na ako? Kung sasabihin mong namimiss mo ako para lang maghabol pa rin ako sayo, wag na. Magmo-move on na ako tulad ng gusto mo. Che.'

Nagtaas lang ng kilay si Gera pagkatapos sabihin ni Loo yun. "Sinabi niya yun?"

"Hindi ko na nasabi ang sadya dahil binaba na niya agad pagkatapos non." Sagot nito.

"Magmo-move on huh?" natawa ng maiksi si Will.

Titig lang ang binigay ni Loo sa bampira. Hindi siya natutuwa sa nakikitang saya sa mga mata nito.

"Wag mo akong titigan ng ganyan." Sambit ni Will sa kaniya. "You had your chance pero binasted mo siya kaya don't blame me kung tatanga-tanga ka."

"Tika," pumagitan na si Erena sa dalawa lalo na ng magdilim ang anyo ni Loo. "Saka niyo na pag-usapan yan. Gusto ko ng makita si Vam, pwede?" tiningala niya si Loo.

"Tayo na." Sagot lang nito.

===========================

Next,  Chapter 176_ Nakaraang Kasalanan

Updates on 1/17

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now