Chapter 173 _ Ang Ritwal

120 15 0
                                    

"Pwede ko pa siyang tulungan!"

Natigilan si Gera na agad tiningnan si Vam. Ganoon na lang ang panlilisik ng mga mata niya dahil palapit ito.

"Lumayo ka sa kapatid ko, Vam." Buong lakas na tinulak niya ito kaya napaupo ito sa sahig.

"Tika lang," umalalay sina Mun at Civ.

"Nangako kang hindi mo ipapahamak ang kapatid ko." asik niya habang umiiyak. "Pero ikaw pala ang papatay sa kaniya." napahagulhul siya. "Bakit mo ginawa ito?"

"Alam mong hindi ko ito sinasadya. Gera, please. Hayaan mo ako. Pwede ko pang buhayin ulit si Erena." Hindi na rin napigilan ni Vam ang maluha.

"Wag kang luampit dito. Halimaw ka!"

Nakatingin lang si Loo sa kaibigang bampira na punong-puno ng pagsisisi ang anyo. Nasapo nito ang noo habang pinipigilan ang maiyak kahit naluluha na ito.

Alam niya kung ano ang sinasabi nito.

Sinulyapan niya ang mga bampira sa hapag-kainan na iba-iba ang reaksyon sa nakikitang eksina.

Marahil na ito ang pamilya ni Vam.

Napapiksi siya sa inis.

Ang mga ito ang may kagagawan ng lahat ng yun eh. Nananihimik na sila pero kailangan pa talagang gumawa ng eksina ng mga ito.

Nagpalabas siya ng dahon.

Ano kaya kung turuan niya ng liesyon ang mga lintik na yun?

"Loo, wag." Ang pigil ni Mun. "Hindi ito ang magandang gawin."

"Gera, pakiusap. Hayaan mo ako. Sige na." Patuloy pa ring pakiusap ni Vam sa babae.

Pero hindi ito nakinig. Nakayakap lang ito ng mahigpit sa katawan ng kapatid habang panay pa rin ang pag-iyak.

"Vam, wag mong sabihing gagawin mo sa kaniya yun?" ang tanong ni Victor sa lalaki.

Tinitigan ng masama ni Vam ang buong mag-anak at kahit ang mga ito ay parang natakot sa banta ng titig niya.

Muli na lang niyang tiningnna ang magkapatid.

Hindi pa rin binibitiwan ni Gera ang bunso.

"Vam, sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Civ sa kaniya.

Tiningnan lang niya ng pusa.

Para bang nabasa na nito kung gaano siya ka-seryoso kaya tumayo ito at nilapitan si Gera.

Niyakap nito ang babae mula sa likuran at inilayo kay Erena.

"Sandali, Civ. Anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!" nagwawala ang babe.

Mabilis na nilapitan ni Vam si Erena dahilan para lalong magalit ang babae.

"Lumayo ka sa kapatid ko Vam! Wala kang karapatang lapitan pa siya. Civ, bitiwan mo ako!" nagsisigaw na ito. Nagwawala. Kasunod ay malakas na tili nito sa pangalan ng panginoon.

Napayuko silang lahat doon.

Kahit nasasaktan ay iniharap ni Civ sa kaniya ang nagwawalang si Gera saka niya ito niyakap ng mahigpit. "Please, Gera. Kumalma ka lang."

Nagsisigaw ito. Sinusuntok siya at pilit na lumalayo pero hindi niya ito binitiwan. Tinatakpan na niya ang bibig nito dahil panay ang banggit nito sa pangalan ng diyos.

Ng masiguro ni Vam na na-secure ni Civ ang nagwawalang babae ay saka niya tiningnan si Erena.

"Vam, wala ng balikan kapag ginawa mo yan." Ang paalala sa kaniya ni Hughbert.

"Wag ka na lang sigurong makialam." Dinikitan ito ni Loo ng dahon sa noo at naging pusa ito na ikinabigla ng mag-anak.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Savana.

Nagkagulo na ang mga ito pero matatag pa rin na nagbabantay si Loo.

"Wag niyo akong susubukan." Banta ng alamid na agad ng nagpalabas ng fox fire dahilan para matigilan ang mga ito.

Tinitigan ni Vam si Erena. Hinayaan na niya si Loo.

Hinawakan niya ang mukha nito at naluha siya dahil ang lamig-lamig nito.

Wala na siyang ibang paraan na naisip para muli itong makasama.

Basta ayaw niyang mawala ito. Ayaw niyang iwan siya agad nito. Babantayan pa sana niya ito kapag tumanda ito eh. Pero kailangan pa talagang mangyari ang lahat ng yun.

Hinawakan niya ang kamay nito at itinaas ang pulsuhan.

"Anong ginagawa niya?" sigaw ni Gera. Pilit pa ring kumakawala pero di ito binitiwan ni Civ.

Itinaas ni Vam ang pulsuhan ni Erena saka kinagat. Ni wala ng dugo na umagos doon. Ganoon din ang ginawa niya sa kabilang kamay nito.

Nagwawala pa rin si Gera.

Ang pamilya naman niya ay nagtangkang pumigil pero binabantayan ito ni Loo. Si Mun ay nakibantay na rin.

Dumako siya sa bandang ulo ni Erena.

Dumukwang siya at kinagat ang lalamunan nito. Nagtagal siya doon ng bahagya bago niya tinitigan ang mukha nito.

Hinawakan niya ang baba nito at ibinuka ang bibig.

Kinagat niya ang sariling kamay at sumipsip ng dugo doon. Hindi niya nilunok yun. Bagkus ay dumukwang siya at hinalikan si Erena. Isinalin ang dugo na yun sa bibig nito.

Mali ang sabi-sabi na kapag kinagat ng isang bampira ang tao ay magiging bampira agad ang biktima. Hindi totoo yun. Kailangan munang mamatay ng isang tao bago ito salinan ng dugo ng isang bampira at magiging isang bampira ito.

Wala siyang intensyong gawing bampira si Erena. Ang gusto niya ay makasama ito at handa na siyang bantayan ito sa pagtanda nito. Kaya lang ay pinilit siya ng pagkakataon kaya wala na siyang magagawa kundi ang gawin yun. Hindi pa siya handang ganoon kadali itong mawala sa kaniya.

Saglit lang niya itong nakilala. Saglit nga lang silang nagkakilala pero napakahalaga na nito sa kaniya. Wala naman itong ginawa kundi ang makipagtalo sa kaniya dati eh. Pero marahil dahil sa trato na yun ay hindi iba ang pakiramdam niya.

Isa pa, kahit nakikita ni Erena na isa siyang mabangis na halimaw. Kahit pwede niya itong patayin ay lumapit pa rin ito sa kaniya para tulungan siya.

Hindi ito natakot. Bagkus ay hinayaan siya nitong kagatin ito. Dahil doon ay mas lumalim pa ang pagmamahal niya dito.

Kaya hindi tama na ganoon na lang ang mangyayari. Kung kailan ay nakita na nito kung ano talaga siya at tanggap siya sa kabila ng lahat ng yun ay saka pa ito mawawala. Hindi siya papayag.

Siguro magagalit si Eugene pero bahala na.

Gagawin niya ang lahat dahil hindi ito dapat na namatay.

Nakalayo ng bahagya si Gera dahilan para makita niyang hinahalikan ni Vam si Erena. "Anong ginagawa mo?" galit na sigaw niya. "Lumayo ka sa kapatid ko!"

"Gera, please. Maghunos-dili ka." Pigil ni Civ sa babae. "Sinusubukang buhayin ni Vam ang kapatid mo."

Noon lang natigilan si Gera. "Anong ibig mo sabihin?" naiyak siya. "Patay na ang kapatid ko. Hindi na siya kailanman mabubuhay pa. Mga tao lang kami."

"Alam ko, pero hindi bilang tao."

Nanlaki ang mga mata ni Gera saka niya pinagmasdan ang ginagawa ni Vam.



=============================

Next, Chapter 174_Bagong Silang
Updates on 1/10

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now