Chapter 189_ Walang Benda

129 13 0
                                    

"Nakaka-dissapoint yun ah." Ang reklamo ni Anjiri sa kasintahan habang sabay silang papunta sa room.

Sa katunayan ay sa oval sila gumawa ng pekeng altar ng ikakasal para mukhang makatotohanan.

At pupunta lang sila ni Mun sa room para kumuha ng extra papel. Paubos na kasi yung dinala nila sa dami ng nagpalista para ikasal sa minamahal kahit kunwari lang.

Tumango lang ang mummy.

"Tika, Mun. Magpalista din tayo." Excited na alok niya ito.

"Ha? Bakit?" takang tanong nito.

"Wala lang. Gusto ko lang maranasang ikasal sayo." Nakangising pakiusap niya. Umaasang papayag ito.

"Kinasal na tayo diba?"

"Oo nga, pero ayaw kong ako si Enjeru at ikaw ang kuya mo. Mas gusto ko yung tayong dalawa talaga."

"Hindi ko alam." Nagkibit-balikat ito.

"Sige na Mun. Kahit ito lang." Pakiusap niya. Hindi naman talaga yun ang dahilan kumbakit gusto niyang magkasal-kasalan sila eh. May isang rason.

Hindi ito sumagot.

"Mun." Niyugyug niya ang braso nito.

"Ang kulit mo."

"Sige na nga."

"Bakit ba gustong-gusto mo?"

Tumahimik siya na ngumiti lang lalo pa't ang talas ng titig nito. Well, gusto niyang malaman nito ang dahilan niya. Hindi naman siya takot na malaman nito eh.

"Sandali," Nakita niya ang ngiti nito gamit ang mga mata. "May gusto ka lang noh?"

"Yeah, meron nga akong gusto."

"Ewan ko sayo." Nagpatuloy ito sa paglalakad. Pumasok agad sa room nila ng makarating sila.

Nakasimangot lang si Anjiri habang pinagmamasdan si Mun na naghahanap ng papel. Wala ng halimaw sa loob ng room dahil nasa oval ang lahat ng kaklase nila.

Totoo na hinahalikan siya ni Mun. Pero hindi siya kuntinto doon eh. Sino naman kasi ang matutuwa kung hinahanalikan siya nito... suot pa rin ang benda nito.

Anong labi naman ang hinahalikan niya? Wala naman siyang maramdaman maliban sa ang benda eh. Wala rin naman kasing 'you may now kiss the bride' nong ikasal sila sa lugar nito eh.

Tumingin sa kaniya si Mun at nagpameywang ito dahil nakasimangot na siya.

"Anjiri, please." Pakiusap nito na para bang hindi nagustuhan ang pagmamaktol niya.

"Kunwarian lang naman yun eh. Sa wedding booth. Gusto ko ring masubukan yun." giit nito. "Please Mun."

"Isa lang naman ang gusto mo don diba? Palagi naman nating ginagawa yun eh. Isa pa, nakakahiya kaya. Ang daming halimaw na nanonood."

"Hindi lang naman yun eh. Gusto ko rin na ma-experience na ikasal sayo. Hindi yung nagpapanggap tayong ibang tao. Mahirap ba yun?"

Bumuntong-hinga na lang si Mun saka lumapit sa kaniya. Hinila siya nito sa tapat ng board at humarap sila sa isa't-isa.

"Dito na lang dahil walang halimaw na nanonood."

Hindi nakapagsalita si Anjiri.

"Anjiri Vermillion," pagsisimula ng lalaki. "I take you as my wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better or for worst, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us part. Thereto, I pledge myself to you."

Napangiti lang si Anjiri sa sinabi ni Mun. Nakatitig ito ng mataman sa kaniya pero sapat na sa kaniya yun.

"Ikaw naman." Wika nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon