Chapter 135 _ Heating Season

164 17 0
                                    

"Mananatili muna kayo sa Vermillion Academy ng isang linggo."

Patda ang tatlo pagkatapos ng sinabi ng Lolo nila habang naghahapunan sila.

"Ano po?" Naulit ni Gera.

Sina Enjeru at Erena naman ay napa-yes ng sabay.

"Aalis ako ng bansa simula bukas kaya doon muna kayo sa paaralan. Pinakiusapan ko na din si Philipe at payag naman siya." ang sagot nito.

"Bakit po agad-agad?" tanong ni Gera.

Siniko siya ni Enjeru kaya tiningnan niya ito. "Ano ka ba? Parang hindi mo namang gustong pumunta doon? Ayaw mo bang makita ang kasintahan mo?"

"Hindi naman sa ganoon. Nakakagulat lang na basta-bastang ginagawa yun ni Lolo." Katwiran niya.

"Ginagawa ko ito kesa ang mabalitaan kong paulit-ulit kayong tumatakas para makapunta doon."

Napangisi lang sila.

"Kesa ang mangyari yun at mapahamak kayo, doon lang muna kayo ngayong linggo. Bukas kayo pupunta doon.

Napa-yes ulit sila.

Tiyak na mangugulo na naman ang mga halimaw doon kapag naroon na naman sila. Linggo bukas kaya hindi nila magugulo ang pasukan ng mga ito.

Siguro hindi pa.

"Maghanda na lang kayo bukas dahil ihahatid kayo doon ni Haldo."

"Okay." Masayang sagot ni Erena.

"Enjeru, ikaw ng bahala sa mga pinsan mo." May nagbabanta itong titig.

Nagulat si Enjeru. "Bakit ang sama ng titig mo Lolo?"

"Responsibilidad mo ang dalawang yan. Kapag may nadinig akong hindi maganda, ikaw ang mananagot sa akin."

Nabigla si Enjeru. Bigla siyang napasaisip saka tiningnan ang mga pinsan na nagtataka. Maya-maya ay biglang umilaw ang brilliant mind niya. Oo nga naman.

"Don't worry Lolo. Babantayan ko sila." Aniya sa matanda.

"Baka ma-distract ka kay Loo?"

"Susubukan kong hindi." Nginitian niya ito.

Ang dalawa naman, hindi ma gets ang sinabi ng lolo niya.



~~~~~~~~~~

"Erena, subukan mong wag maging malandi ha? Pati na rin si Gera." Binantaan ni Enjeru ng titig ang dalawang babae. "Di porke't may mga kasintahan na kayong mga gaga kayo."

Tinawanan yun ng malakas ni Erena. "Inggit. Diba dapat sabihin mo yan sa sarili mo?"

"Kaya kong kontrolin ang sarili ko, duh. Anyway, nasan ba si Gera?" Tiningnan niya ang paligid.

Kasalukuyang nasa silid nito ang babae na handang-handa ng umalis bukas.

"Ewan ko, wala sa silid niya. Baka nasa balcony."

"Babalaan ko lang yun."

Bakit may babala pa? Ano ba kasi ang meron para sabihin yun?



~~~~~~~~~~

Bahagyang natigilan si Gera ng makitang may dalawang pusa ang naglalaro sa ibaba.

Yung isang pusa ay ang alaga nila na Siamese Cat habang ang kalaro naman nito ay halatang sa labas nakatira.

Halatang masaya ang mga ito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon