Chapter 100 _ Walang kalaban-laban

220 16 0
                                    



Nagsisigaw na nabitiwan ni Conrado si Erena ng magdasal ito ng mahina pero dinig na dinig naman niya. Bigla rin siyang napaso sa dugo nitong nagmula sa sugat nito sa balikat.


Lintik! Gumagana na.


Napa-atras siya at napasandal sa pinto.


"Erena, ayos ka lang?" agad na pinuntahan ni Gera ang kapatid.


"Oo ate, tumalab yung ipinarating mo." Ang sagot nito na bahagyang nakangiti.


"Lintik talaga kayong mga tao kayo." Asik nito. "Talagang inuubos niyo ang pasenisya ko." sumigaw ito ng malakas. Tunog halimaw ang boses nito.


Napatakip sila sa kanilang mga teynga dahil umalingawngaw ang malakas na sigaw nito. Yumanig ang paligid at nagbabanta pang gumuho.


"Tumahimik ka." Sinipa ni Vam ang altar at bago tumama yun kay Conrado ay naiwasan nito. Tumama yun sa pinto at nagsigawan ang mga demonyo sa loob.


Sinugod ni Vam ang halimaw at sinipa ito.


Tumalsik ito sa gilid.


"Anjiri, kayo na ang bahala sa pinto." Bilin ni Mun. Sinugod na rin nito si Conrado at naki-join din si Civ.


"Gera, ito. Dali, hiwain mo ang kamay mo." Inabot ni Anjiri ang patalim na nakuha kay Gera.


Alanganing tinitigan siya nito.


"Ito na lang ang paraan." Giit niya.


Kinuha yun ni Gera. "Baka naman may iba pa."


"Wag mong gawin yan, Ate." Pigil ni Erena.


"Kailangan nating gawin ito."


"Sandali, wala ka bang nakikitang ibang paraan? Gamitin mo ang kakayahan mo." Giit ni Erena.


Di umimik si Anjiri. Kahit anong pilit niya ay may itim na anino pa rin talaga ang humaharang at hindi niya makita ang gustong makita kaya nga nakakatakot. "Wala talaga akong makita." Aniya sa babae.


"Kung ganoon ay wala na tayong magagawa." Idinikit ni Gera ang patalim sa palad. Pumikit siya ng mariin at pasigaw na hiniwa yun.


Impit na napatili lang doon si Erena na napatakip din.


Hinawakan ni Anjiri ang kamay nito habang marami pa ang dugo saka siya ang nag-guide ng iguguhit.


Isa yung krus na nasa tapat ng pinto. Hinila niya ito at naglagay din ng krus sa gilid ng pinto at sa kabila.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon