Chapter 136_ Ibang Pangalan

160 15 3
                                    



Bumuntong-hinga lang si Enjeru sa labas habang nilalaro-laro ang susi. May gusto lang siyang patunayan. Masyadong risky ang ginawa niya pero may tiwala naman siya eh. Bahala na si Batman.



~~~~~

"A-anong ginagawa mo dito?" ang tanong sa kaniya ni Civ. Bagamma't nahihimigan niya ang saya sa boses nito.

"Ah, pinapasok ako dito ni Enjeru bigla eh. Pasensiya ka na." Habang sinasabi yun ay sinimulan niyang buksan ang pinto pero lock talaga eh. Magkasintahan sila ni Civ pero dilikado pa rin naman dahil nasa kalagitnaan ito ng Heat. Isa pa, wala sa usapan nila yun.

"H-Hindi ba nila sinabi sayong nasa..." hindi nito itinuloy.

"Sinabi nila!" mabilis niyang sagot. "Kaya lang si Enjeru, alam mo na." Ikinalma niya ang sarili. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kinakabahan siya.

Hindi ito sumagot. Napansin niyang naupo ito sa gilid ng kama nito. Hindi niya ito maaninag dahil madilim at may kurtinang itim ang bintana dahilan para hindi makapasok ang liwanag.

Kakaiba rin ang boses nito.

Hindi na ang boses ni Civ na nakasanayan niyang pakinggan. Naging mas. . . sexy yun.

Napatutup siya sa bibig. Yun ba ang ginagawa ng heat sa mga tulad nito? Nagiging mas sexy ito at charming?

Nakita din kaya ni Meriam yun? Nadinig din kaya nito ang sexy voice ni Civ?

Para kasing kahit na anong bago na nakita niya kay Civ ay nakita na rin ni Meriam eh. Para ano pa't ito ang unang nakilala ni Civ. Pero hindi pa nakita ni Meriam yun, eh di mabuti, masaya siya.

Dahil kahit papaano, siya ang unang nakakita ng bahaging yun ni Civ.

Nasa kalagitnaan ito ng heat season at kilala siya nito bilang si Gera.

Paano kung si Meriam ang naroroon? Ano kaya ang gagawin nito?

Inalis niya sa isipin yun dahil nasasaktan siya. Bakit ba siya ang nasasaktan sa sarili niyang mga iniisip? Gusto niyang itanong kay Civ kung nakita rin ba ni Meriam bagay na yun pero pinigil niya ang sarili.

"Lalabas na lang ako, Civ." Aniya dito.

"P-pasensiya na kung hindi kita makakasama ngayon." Sagot nito.

Nginitian niya ito.

Alam niyang naaninag siya nito lalo pa't isa itong pusa. Kaya alam niyang nakikita nito ang ngiti niya. Sana lang, kaya rin nitong makita ang nararamdaman niyang sakit.

"Ayos lang yun, naiintindihan kita."

Tumalikod na lang siya at hinawakan ang seradura at niyugyug sa pag-asang bubukas yun pero hindi naman.

"K-kailangan mo ng lumabas." Halos pabulong na wika nito.

Natigilan si Gera. Hindi siya kumibo at natahimik lang sa loob. Kung ano-ano na kasi ang pumapasok sa isip niya eh. Hindi pa rin kasi siya mapakali.

"Tika, Civ." Halos pabulong na tawag niya pero alam niyang nadinig siya nito. "Nakita ka na rin ba ni Meriam na ganito?" hindi na niya napigilang itanong yun.

Gusto niya kasing kahit sa isang pagkakataon lang ay maging lamang siya kay Meriam.

"Hindi pa." Sagot nito. "Ikaw lang ang nagtangkang pumasok dito na ganito ako."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon