Chapter 34 _Pag-iispiya

300 19 0
                                    


Nangislap ang mga mata ni Enjeru pagkatapos mabasa ang pangalan na nabunot niya.


Ipinagtaka yun ng ilan pero hindi ang magkapatid. Alam na nila kung kaninong pangalan yun sa mukha pa lang.


Nagbunot-bunutan sila sa opisina ni Philipe. Kaniya-kaniya silang reaksyon sa mga pangalang nabasa. Ang pangalan na yun ang kailangan nilang bilhan ng regalo.


"Sinong nabunot mo Ate?" ang tanong ni Erena sabay silip ng papel nito pero mabilis yung iniwas.


"None of your concern, Sis." Sagot nito.


"Sus! Ang arte nito. Parag silip lang eh. Si Civ yan noh?"


"None of your concern nga kasi."


"Hoy, ano ba kayong dalawa? Hindi niyo pwedeng sabihin kung sino ang nabunot niyo noh?" sita ni Enjeru sa dalawa.


"Hindi nga pero alam na naman kung sino ang nabunot mo." Si Gera.


Isang ngiti lang ang naging sagot nito.


"May isa pa dito o." Tinuro ni Anjiri ang natirang naka-lukot na papel.


"Ah, para kay Lolo yan."


"Ako na ang magbibigay nito sa kaniya." mabilis yung kinuha ni Philipe.


"Sinong nabunot mo Anjiri?" tanong ni Erena dito. Hindi talaga paawat.


Hindi ito sumagot na itinago lang ang papel. "It's a secret."


"Ano ba naman kayo? Hindi ba kayo magpapasilip lang?"


"Bakit Erena? Sino ba ang nabunot mo?" ngingiti-ngiting tanong ni Vam.


Inis na binilatan niya ito. "Ba't ko naman sasabihin sayo?"


"Kapag sinabi mo, sasabihin ko rin ang sa akin."


Natigilan siya.


"Hoy ano ba kayong dalawa? Wag niyo ngang e-spoil ang bunutan. Mawawala na yung thrill eh." Sita ni Mun.


"Tama. Hindi na challenging. Kukunti pa naman tayo." Segunda ni Enjeru. "Loo, sinong nabunot mo?" baling agad nito sa fox.


Ay naku! Nagsalita ang malanding ito.


Umiwas lang ito na umirap pa.


"Ganito na lang," agaw pansin sa kanila ni Philipe. "Ihanda niyo na lang ang mga regalo niyo at ako na ang bahala sa event."


"Talaga po sir? Gagawin niyo yun?" manghang tanong ni Enjeru dito.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now