Chapter 19 _Ang Pagmamaldita ni Pasaway

448 20 0
                                    


Agad namang nag-trick or treat ang mga halimaw sa bayan pagkadating ng mga ito. Maraming taong gumagala sa labas ng bayan. Spesyal ang araw na yun kaya naman, walang naghinala ni isa na totoong mga halimaw sila.


Yung mga malalaking halimaw namay ay dumiskartigng magtatago na lang para wala ng makiusyuso at yung mga maliliit naman ang humihingi ng candy.


Huminto sa harap ng isang bahay sina Gera at Civ. Yun ang bahay na hihingan nila ng candy. Narating din nila ang bayan at last. Pagkatapos non ay babalik din sila agad sa akademya.


"Ito na," itinaas ni Gera ang dalang basket. "Sabay tayong magbibigkas ng trick or treat paglabas ng tao, okay?" tiningala niya ito.


Tumango lang ito.


Sumimangot siya sa nakitang mukha nito. "Hindi ka pwedeng maging seryoso. Kailangan nakangiti ka."


Tumingin ito sa kaniya. "Kailangan ba yun?"


"Oo, duh! Hindi ka pwedeng nakasimangot. Alam kong first time mong makapunta dito pero kailangan mong magtiwala sa akin."


Biglang may nagtawanang mga bata sa likuran nila. Tiningnan niya yun at ganoon na lang ang gulat niya. Tinuro ng mga bata ang buntot ni Civ na panay ang galaw.


"Astig o." Anang isang bata.


"Gumagalaw ang costume niya. Ate, paano nangyari yan?" tanong ng ikalawang bata.


"Ano. . . mechanical costume yan. Yung kusang gumagalaw." Sagot niya.


"Pwede pahawak, kuya?" tanong ng ikatlong bata kay Civ.


"Hindi!" humarang siya sa pagitan. "Hindi pwede. Sensitive yan eh. Sige na. Alis na kayo. Mag-trick or treat kayo doon." Taboy niya sa mga bata.


Naghihinayang na umalis na lang ang mga ito.


"Hoy," hinarap niya si Civ na nakatitig sa kaniya. "Pwede bang wag mong igalaw ang buntot mo. Baka mapahamak tayo eh." Aniya dito.


"Pasensiya na." Yun lang ang sagot nito. No emotion. Galing lang.


"Ba't ba magalaw yan? Dapat steady yang buntot mo since seryoso ka ngayon." Inayos niya ang sarili saka niya ito tiningnan.


"Ano ba ang alam mo sa mga pusa?" tanong nito.


"Kunti lang. Basta ang alam ko, steady lang ang buntot ng pusa kapag behave sila tulad mo ngayon at magalaw kapag excited. . ." natigilan siya sa sinabi. "Excited ka?"


Malamang. First time nga diba?


Simpleng tumango lang ito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat