Chapter 17 _Ang Paligsahan

425 19 0
                                    

Dinagsa nga ang silid nila ng mga halimaw. Naging abala sila sa pag-huli ng mga halimaw na yun.


Ang galing din ng mga kaklase nila. Talagang nawili ang mga studyante doon kaya hindi na kataka-takang puno ang mga table doon ng mga nagde-date.


"Enjeru, may magpapalista dito." Tawag ni Brain sa kaniya.


"O sige," nilapitan niya ang costumer. Namangha siya dahil para itong taong tiger. Babae at maganda. "Ito miss, ilista mo na ang dalawang halimaw." Nakangiting inabot niya dito ang papel at pansulat.


Kaagad naman itong tumalima saka muling binigay sa kaniya ang papel.


"O, Cookie may huhulihin pa dito." Tiningan niya ang nakasulat at nagulat siya sa nabasa. Naitaas ang kilay niya saka tiningnan ang babae "Ikaw si Tigress?"


Ngumiti ito. "Oo," ang hinhin naman nito para sa isang mabangis na tigre.


"At ang gusto mong maka-blind date ay. . ." tiningnan niya ang papel at napakamot siya sa noo dahil sa nabasang pangalan.


"Mahirap bang basahin ang sulat ko?" alalang tanong nito.


"Naku, hindi naman. Hali ka, nandito siya sa loob." Pinapasok niya ito.


"O Enjeru, nasaan na?" lumapit sa kaniya si Cookie.


Ibinigay niya dito ang papel saka niya itinuro si Tigress. "I-assist mo siya," sabay alis doon.


Bakit? Sino ba yung guy?


Saka, nagje-jelly agad si Enjeru eh. Hmm, may ideya na?


"O Enjeru? Anong nangyayari sayo?" tanong ni Gera sa kaniya. Ganoon na lang ang gulat niya ng makita ang inis sa mukha nito.


Hindi ito sumagot saka may tinuro.


Nasundan niya yun ng tingin at napangiti siya sa nasaksihan.


Si Loo, may ka-date ng babaeng Tigre. Maganda ito at mukhang mahinhin. Si Loo naman, parang tinatamad. The Usual.


"Ba't ka nakangiti?" asar na tinapik siya ni Enjeru.


"Jelly ka Insan?" pang-aasar niya dito.


"Hindi! Naaasar lang ako." defensive naman ito.


"Wie? Kung Jelly ka talaga, i-date mo din si Loo." Tudyo niya.


"Baka gusto mo, ikaw ang i-date ko kay Civ."


Natahimik siya. Seryoso kasi ito. Ayun nga at sinulat nito ang pangalan nina Vam at Erena. Nasa iisang mesa yung dalawa at panay ang alitan.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat