Chapter 178_ Pagsundo

121 13 2
                                    

"Hindi mo ba naisip, kaya piniling lumayo ni Vam ay dahil ayaw ka niyang mapahamak" ang tanong ni Mun kay Erena.

Panay pa rin ang tanong ng mga kasamahan niya kahit papunta na sila doon eh.

"Bampira na naman ako. Hindi na niya ako kakagatin diba? Isa pa, masama ang kutob ko." aniya.

"Ganyan na ba kapag in-love? Nagiging psychic?" tanong ni Anjiri.

"Tumigil ka. Ganyan ka din eh." Sita ni Gera dito.

"Ikaw din oi. Si Loo lang ang walang lablyf dito."

Tiningnan nila ang alamid na parang walang nadinig.

"Wag niyo ng pakialaman si Loo. May internal crisis pa yan." Napangiti lang si Civ ng titigan siya ng masama ng kaibigan.

"Basta masama ang kutob ko. Kahit kanina pa nong makita ni Vam ang pamilya niya. Hindi siya komportable eh. Hindi siguro naging mabuti ang buhay ni Vam sa pamilya niya." aniya.

"Malamang. Kaya nga naglayas diba?" si Mun.

Tinitigan lang niya ito ng masama. Pilosopo din.

"Civ, bilisan mo pa." Aniya sa pusa na nagmamaneho.

"Wag kang atat. Baka madisgrasya pa tayo eh." Sita ni Gera.

"Wala naman akong nakikitang mangyayari yun." kontra naman ni Anjiri.

"O, nadinig mo yun Civ? Dali na." Aniya.

"Ang ingay niyo." Sita ni Loo.

"Sandali lang. Madilim ang paligid. Kailangan pa rin nating mag-ingat." Awat ni Mun sa tatlo.

"Maliwanag ang buwan. At maliwanag din ang night vision ng mga pusa. Kaya mo yan, Civ. O gusto mo tawagin na kitang kuya ngayon." Nginisihan ni Erena ang pusang napasimangot.

"Pakiusap, wag." Ang wika ni Civ.

"O baka lolo na lang."

"Tandaan mong lolo rin si Vam." Ang sita ni Gera sa kapatid.

"Hindi na ngayon dahil pareho na kaming di tumatanda." Nangungutyang siniko siya nito.

Asar na sumimangot si Gera.

Hindi naman siya naiinggit eh.


~~~~~~~~~

Mabilis silang bumaba sa sasakyan ng marating ang gate ng Casting.

Naunang pumasok si Erena at agad na tinakbo ang mansyon ng mga Casting. Dere-deretso lang silang pumasok.

"Naramdaman mo yun?" tanong ni Civ sa Alamid at Mummy.

Tumango ng sabay ang dalawa.

"May nagmamanman. Kailangan agad nating makaalis dito" ang wika ni Loo.

Tinulak ni Erena ang pinto at ganon na lang ang gulat niya ng tumilapon ang pinto.

"Ops, sorry." Napangisi siya na agad pumasok. "Vam!"

"Loo, naaamoy mo ba kung nasaan si Vam ngayon?" tanong ni Gera dito.

Pinakiramdama ni Loo ang paligid saka inamoy. Hindi lang si Vam ang naamoy niya sa isang lugar.

"Nasa basement siya." aniya.

"Basement? Saan naman tayo dadaan papunta doon?"

"Dito," naunang tumakbo si Civ sa isang lugar. Papunta sa daanan ng kusina.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now