Chapter 160_Pagsubok ni Shiro

134 14 5
                                    


Pagkatapos ng pagdadasal ay dumiritso sila sa bazaar sa likuran ng Shrine at napakaganda non. Maraming mga tao doon na halatang nagsasaya din.


"Ayun, Vam. Bilhan mo ako non." Mabilis na hinila ni Erena ang kasintahan sa lalaking nagbibinta ng cotton candy.


"Kahit anong mangyari, sa hagdanan tayo magkita-kita okay?" pahabol ni Enjeru sa dalawa.


"Okay," nag-aprub si Vam.


"Hahayaan mo silang dalawa?" natanong ni Gera sa pinsan.


"Chill Gera. Hindi pababayaan ni Vam si Erena. Subukan lang niya. Malaki-laki din itong kamao ko o." Nagmayabang pa ito.


"So, ayos lang palang maghiwa-hiwalay." Excited na tanong ni Anjiri.


"Magsaya din kayo."


Excited na hinila din nito si Mun sa isang banda. Walang nagawa ang mummy kundi ang mapasunod na lang.


"Enjoy." Kinawayan lang ni Enjeru ang dalawa. Pasimpleng hinawakan niya ang braso ni Loo na agad napatingin sa kaniya. Walang sabi-sabi na hinila niya si Loo. "Doon tayo, Loo."


Nagtataka man ay napasunod na lang si Loo.


Nasundan na lang ng tingin ni Civ ang mga kaibigan na kaniya-kaniya ng umaalis.


Kaagad niyang tiningnan si Shiro na naglalakad lang pauna sa kanila. Para bang hindi na napansin na silang tatlo na lang ang niiwan. Tiningnan niya si Gera pero mabilis itong naglakad at agad na tumabi kay Shiro. Hinawakan nito ang braso ng lalaki at sumabay sa paglalakad dito.


Huminto sa paglalakad si Civ at pinagmasdan ang mga ito na lumalayo na sa kaniya. Bumuntong-hinga na lang siya. Inaasahan pa naman sana niyang masosolo si Gera para makausap ito. Kaya lang mukhang mahirap lalo na dahil pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito. Siguro nga masama pa rin ang loob nito sa kaniya. Hindi niya ito masisisi.


O baka nga talagang nabaling na kay Shiro ang lahat ng atensyon nito at wala na itong pakialam sa kaniya.


Pero pwede ba yun? Kahit tao si Gera, parang imposible namang mabaling ang atensyo nito sa ibang lalaki ng apat na araw lang. Baka nga naaawa lang ito sa kapatid niya dahil matagal na napag-isa si Shiro eh. Baka pinapakisamahan lang nito.


Gagawin ba talaga ni Gera yun?


"Shibu,"


Napatingala siya ng makita niyang bumabalik si Shiro.


"Nasaan si Gera?"


"Ah, may binili lang siya saglit. Gusto sana kitang makausap."


"Ako rin." Aniya.


"Cool. Dito tayo." Hinila siya nito sa isang bahagi na walang gaanong tao kaya napasunod na lang si Civ dito. Hinanap niya si Gera sa paligid.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now