Chapter 106 _ Pagpapaubaya

194 11 0
                                    



Hindi alam ni Conrado kumbakit  ang nakatayo doon ay si Armaline imbis na si Enjeru. Kung ano ang itsura nito nong una niya itong makita ay ganoon pa rin ngayon.


Kumikintab ang ginintuan nitong buhok. May parehong saya at lungkot sa mapupungay nitong asul na mga mata. Nakasuot ito ng puting bestida. Wala itong pakpak. Kung tutuusin ay para lang itong taong nakatayo doon. May maiksing ngiti ito sa labi.


Tumingin siya sa paligid pero sa gulat niya ay wala siyang maaninag. Para bang silang dalawa lang ang nakatayo sa blankong mundo na yun.


Muli niyang tiningnan si Armaline.


Sa kabila ng ginawa niya dito ay nagagawa pa rin nitong ngumiti ng ganoon sa kaniya. Dahil sa galit dito ay nagagawa niya itong saktan, minsan ay kinakagat. Kung anong masasamang bagay ang nagawa niya dito nong nasa akademya pa sila. Kung hindi siguro dahil kay Eugene ay baka napatay na niya ito.


Masamang-masama lang ang loob niya. Galit siya dahil sa kabila ng pagiging magkaibigan nila ay hindi siya nito magawang tulungan. Kaya ipinalabas niya dito ang lahat ng sama ng loob. Dahilan para tuluyan siyang katakutan ng mga studyante sa akademya.


Hindi niya makakalimutan ang mga ginawang pananakit dito. Kaya namamangha siya dahil nagawa pa rin nitong ngumiti sa kaniya.


Magsasalita pa sana siya ng magsimula itong maluha. Hanggang sa maya-maya lang ay napahagulhul ito.


"Patawarin mo ako, Conrado." Napaluhod itong bigla.


Hindi siya nakapagsalita na pinagmasdan lang ang babae. Pinanlakihan siya ng mga mata dahil hindi niya inaasahang makita yun dito.


"Ako ang dahilan kaya ka nagkakaganito. Ipinagkait ko sayo ang kaisa-isang bagay na pangarap mo." Umiiyak na paliwanag nito.


Hindi umimik si Conrado. Sanay na siyang makitang umiiyak si Armaline.


 Ilang beses na niya itong sinaktan dahil sa galit at sama ng loob niya. Pero ngayong nakita niya ulit ito ngayon at umiiyak sa harap niya ay bumalik lahat sa kaniya.


Kung paano siya nito ipagtanggol sa kabila ng pag-aapi ng ilang mga halimaw sa kaniya dahil isa siyang demonyo.


Wala namang siyang pakialam doon eh. Pero naging mabuting kaibigan sa kaniya si Armaline. Hindi ito natakot sa kaniya kahit isa siyang demonyo.


Nawala lang ang lahat ng yun ng kagatin niya ito at sinipsip ang dugo nito. Naging matabang na ang dati ay mabuting pagkakaibigan nila.


Alam yun ng lahat. Alam ng lahat kung gaano sila kalapit. May mga nagtataka pa nga kumbakit ang isang demonyo at anghel ay matalik na magkaibigan. Hindi naman talaga masama yun eh.


Siguro nga kahit ano ang gawin niya ay demonyo pa rin siya at lumalabas ang tunay na ugali niya. Dahil nong hindi lang ito pumayag na tulungan siya ay sumama agad ang loob niya at sinaktan ito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now