Chapter 58 _ Hindi pa tapos

259 19 0
                                    


"Tulong!"


Ganoon na lang ang gulat ng dalawang demonyong napadaan sa silid ng mga babae dahil sa sigaw na yun habang sunod-sunod ang kalabog ng pinto mula sa loob.


"Pakiusap, tulungan niyo kami." Sigaw ng nasa loob.


Nagkatinginan ang dalawa na agad namang binuksan ang pinto.


Sumalubong sa paningin nila si Enjeru na halatang natataranta.


"Pakiusap, tulungan niyo ang pinsan ko."


Hinila sila nito papasok.


Sumalubong sa paningin nila ang nakahandusay na si Gera at walang malay. Si Erena naman ay inaalalayan ito habang umiiyak.


"Tulungan niyo kami." Si Erena.


"Anong nangyayari sa kaniya?" tarantang tanong na rin ng isang demonyo.


"Ewan! Bigla na lang siyang nangisay at agad nawalan ng malay."


"Kailangang malaman ito ng pinuno." Ang wika ng isa pang demonyo. "Ako ang susundo sa kaniya. Bantayan mo sila dito." Sabay talikod ngunit natigilan na lamang siya ng humarang sa pinto si Enjeru. Seryosong nakatitig sa kanila.


Bigla nitong binigkas ang pangalan ng kinatatakutan nila sa balat ng mundo. Nahilo sila pagkadinig non at parang sasabog ang ulo nila sa nadinig na pangalan at nasasaktan sila.


Napanganga na lang si Enjeru ng tumalon sa bintana ang dalawang halimaw at lumipad palayo na nagkaka-banggaan pa. Napangiti na lang siya. Mga pipitsuging demonyo pala etech.


"Good work girls." Aniya sa dalawa.


Bumangon si Gera na agad inayos ang sarili. Si Erena naman ay agad pinunasan ang kunwaring luha sa mga mata niya.


"No sweat." Wika nito.


"Bilisan niyo, tumayo na kayo diyan para mahanap na natin si Lolo." Aniya sa dalawa.


Agad namang sumunod ang mga ito. Sinilip muna nila ang labas ng pinto at ng walang dumaan ay agad silang lumabas. Binaybay ang tingin nila ay tamang daan. Dadaanan ulit nila yun ngayon para matuntun ang kinaroroonan ng lolo nila.


Mukhang malaki pa naman ang lugar na yun. Dilikado na at baka kung saan-saan pa sila mapadpad.


Mabilis silang napakuble ng makita si Conrado kasama ang guro nilang si Emil.


"Ihanda mo ang mga tauhan natin maya-maya lang. Aalis agad tayo dito papunta sa gate." Ang bilin ni Conrado dito.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin