Chapter 20 _Mesteryo ng Grupo

450 18 0
                                    


"Enjeru, gusto mo ba si Loo?"


"Ha?" ang lakas at ang taas ng boses niya. Tiningnan niya si Mun. Seryoso naman itong nakatingin sa kaniya.


Naglalakad pa rin sila papunta sa bayan dahil mahina sa takbuhan si Mun. Pinagtyagaan na lang niya itong sabayan. Di bali na kung matalo man sila.


Tinawanan lang niya yun. "Ba't mo naman naitanong yan?"


Hindi naman sa ayaw niyang umamin. Kailangan lang niyang masigurado kung ano ang magiging reaksyon nito. Baka nakakagulat talaga eh. Dilikado na.


"Iba kasi ang reaksyon mo kay Loo at ang pakikitungo mo sa kaniya at sa amin." Sagot nito. Seryosong nakatitig sa kaniya. Para bang gusto nitong hulihin kung nagsisinungaling ba siya o hindi.


"Hindi naman sa gusto talaga. Parang crush ang. Saka hindi ko naman nilalabag ang taboo noh? Hindi naman kami ang may gusto sa isa't-isa. Isa pa, wala naman sa plano ko ang pangarapin siya o ano. Sabihin na lang nating, natutuwa ako sa kaniya. Ang kaso hindi naman siya ganoon sa akin so, wala rin."


Nagulat na lang siya ng tumawa si Mun.


"Nakakatawa bang may crush ako sa isa sa inyo gayong dapat kayong katakutan?"


"Hindi naman yun eh. Nakakatawa lang dahil simple lang naman ang tanong ko pero ang haba ng sagot mo."


Tinawanan lang niya yun. "Para kompleto ang sagot diba?"


"Talaga bang naniniwala kang lahat ay susunod sa taboo na yun?" tanong nito. Seryoso na ulit.


Kataka-taka naman ang isang ito. Napakaseryoso yata ng buhay. Hindi naman ito ganoon kanina eh.


Pero sige, sasakyan niya ang sinabi nito.


Nagkibit-balikat siya. "Marahil. Ikaw ba?"


"Hindi ko rin alam."


"Bakit? May tao ka bang gusto ngayon?"


Nagkibit-balikat lang ito.


"Alam mo, Mun. Sasabihin ko sayo ang katwiran ko sa taboo na yan. Pag-ibig ang pinag-uusapan diyan eh at pagdating sa pag-ibig, walang nakakahadlang non kahit na ano pa. Walang sino man ang nakakaiwas don, kahit mga halimaw pa o mga tao. Kaya ang taboo na yan, waley!"


"Sabagay ay tama ka. Kaya natitiyak kong tatamaan ka rin kay Loo."


Nagulat siya sabay tingin dito. "Susuportahan mo ako?" nginitian niya ito.


Ngumiti lang ito bago sumagot. "Hindi."


Sumimangot siya. "Naman eh."


"Wala pa rin naman eh, at alam kong ganoon din ang mangyayari."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now