Chapter 75 _ Nalilitong Bangkay

283 19 0
                                    

"Akala ko ba hindi mo siya gusto?" tanong ni Carmell kay Vam ng magkita sila sa library.


Sandaling di sumagot si Vam sa tanong na yun ng pinsan. Sinulyapan muna niya si Erena na kasama sina Mun at Anjiri sa iisang mesa.


"Akala ko nga rin eh." Tanging sagot na lang niya. Nginitian lang niya ang pinsan. May diskumpyadong tingin sa kaniya. "Paano mo ba nalaman agad?"


Nagkibit-balikat ito. "I have my ways."


"Ang sabihin mo, nakita mo lang kami kagabi."


Natawa ito sa sinabi niya.


"Sabi na eh."


Pero agad din naman itong sumeryoso na sinulyapan pa si Erena bago sa kaniya tumingin. "Pero Vam, binalaan na kita. Isa siyang tao at bampira ka."


"Alam ko yun."


"Hindi ka ordinaryong bampira," patuloy nito. "Ang babaeng yun, dalawa lang ang dereksyon niya sa mga kamay mo. Kung hindi man maging bampira ay mamamatay siya."


Hindi siya sumagot sa sinabi nito.


Tama naman kasi ito.


"Hindi mo masasabing, hindi mo siya hahayang masugatan. Hindi maiiwasan ang ganong aksidente. Ano na lang ang gagawin mo kapag nangyari ito. Nangyari ulit yun."


Bahagyang pinanlakihang ng mga mata si Vam.


Mariing napapikit na lang siya ng maalala ulit ang kalagim-lagim na pangyayari ng buhay niya.


Naiiba siya sa ibang mga bampira. Ang mga bampira, nauuhaw ng dugo, oo, pero kahit papaano kayang kontrolin ng mga ito ang sariling wag uminom ng dugo. Pero siya hindi, hangga't may naamoy siyang dugo, hinding-hindi niya mapipigilan ang sarili niya.


Tama ito. Dilikado si Erena sa mga kamay niya. Hangga't hindi niya nako-kontrol ang sarili, hinding-hindi ito magiging ligtas sa kaniya. Pero hindi niya ito kayang layuan, masaya siyang kasama ito.


Pero alin nga ba ang dapat niyang piliin, ang kaligtasan nito o ang maging masaya siya? Kahit siguro ipaliwanag niya yun kay Erena ay malilito ito. At marahil hindi papayag.


Pero ayaw niyang sumuko. May paraan naman para hindi siya matukso eh.


"Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo, Vam." Bulong nito.


Tinitigan lang niya ang babae. "Wala akong pakialam sa kanila." Sagot niya. Hindi ito nakaimik.


Bumuntong-hinga na lang ito. "Ikaw ang bahala. Pero sana isipin mo ang kapakanan ni Erena. Wag kang maging selfish dahil lang gusto mong maging masaya, Vam. Wag mong kalimutan ang nangyari dati." Saka na ito umalis.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Onde histórias criam vida. Descubra agora