Chapter 59 _ Seryosong Pasaway

267 15 0
                                    

Naligtas nga sila sa pagkakataong yun pero hindi naman sa lahat ng bagay at pagkakataon ay lamang sila.


Baka nga sandali lang silang pinagbigyan ni Conrado. Baka naman kasi hindi pa talaga ito handa sa gagawin nito.


Saka masyadong pipitsugin ang mga tauhan nito. Kailangan nitong humanap ng mga panibagong tauhan kung gusto nitong magtagumpay.




~~~~~~~~~~~~~


Parehong may asar sa anyo ng tatlo habang pahanay silang nakatayo. May nakapatong na libro sa bawat ulo at bitbit na tig-iisa sa nakadipang kamay.


Tama! Pinarusahan sila ng lolo nila pagkatapos nila itong sagipin. Ang unfair nga eh.


Nangangalay na ang mga kamay nila eh. Kanina pa.


"Ang unfair nito!" asar na sambit ni Enjeru.


"I know right?" ang tanging sagot ni Gera. Hirap na din.


"Kaya lang may tanong ako," si Erena. "Anong ginawa mo dito?"


Sabay nilang binalingan si Anjiri sa tabi ni Erena. Tulad nila ay may nakapatong din na libro sa ulo at mga kamay nito.


"Pati ako idinamay sa katigasan ng ulo niyo." Sagot lang nito. Nahihirapan na pero nagawa pa ring mainis.


"Ay, sinisisi mo kami?" sarkastikong tanong ni Enjeru.


"Kayo naman ang may pakana kaya tayo naparusahan diba?"


"Kung hindi dahil sa ginawa namin, hindi sana maliligtas si Lolo." Sagot ni Erena.


"Kaya na nina Mun yun eh."


"Hindi nga sila kumilos eh." Kontra ni Gera.


"Ah, basta. Kasalanan niyo pa rin kaya tayo naririto ngayon. Nangangalay na ang buong katawan ko noh? Ang tigas kasi ng ulo niyo eh. Hindi niyo pa naman alam kung ano ang kayang gawin ni Conrado." Patuloy nito.


"Siguro kung hindi niyo inilihim sa amin ang lahat ng alam niyo ay di naman namin magagawa yun noh?" si Enjeru.


"Mga pasaway lang talaga kayo."


"Thank you at dahil kami na ang kasama mo ngayon, wala ka ng choice kundi makisali sa gulo namin."


Asar na tiningnan lang ni Anjiri ang babae. "May pinaplano ka?" tanong niya.


"Masanay ka na. Siya ang lider eh." Ang sagot lang ni Gera.


Nagulat sila ng ihagis ni Enjeru ang libro sa ulo nito at mga kamay. Saka ito nag-exercise kaunti."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن