Chapter 43 _Assuming si Fox

308 20 3
                                    



"Hoy! Baliw ka ah!" inis na sinapok ni Enjeru ang tumatawa pa ring bampira.


"Aray naman." Nahinto tuloy sa pagtawa si Vam saka agad tumingin sa babae. May inis sa mukha nito. Nagpigil naman siyang matawa ulit.


"Ayusin mo nga ako." maangas na utos nito.


Aba! May lahing batugan.


"Hindi noh?" aniyang nakangiti saka inayos ang nasirang buhok dahil sa pagdapog nito.


"Sigurado ka? Di ba pag nakagat yung biktima ay nagiging bampira agad?" diskumpyadong tanong nito.


"Hindi nga. Ba't ba mas marunong ka pa sa akin eh ako ang bampira dito. Saka ba't ko naman yun gagawin sa kaniya? Ano siya sinuswerte? Bibigyan ko ng everlasting life? Hindi noh? Hindi rin ako si Edward at siya si Bella para lang matulad kami sa twilight. No! Mas gusto ko ng original." Ganoon na lang ang pag-iwas niya sa pag-aakalang hahampasin siya nito.


Nagbabanta lang pala. Naiinis na ito eh. "Umayos ka," banta nito.


Ang high blood naman nito.


Bumuntong-hinga na lang siya. Kailangan pa pala niyang ipaliwanag dito.


"Alam mo Enjeru, ganito yan. Iba ang ginagawa namin kapag gusto naming maging bampira ang isang tao, at kapag gusto naming patayin ang isang tao."


Kumunot ang noo nito.


"O ano?"


"May kaibahan yun?"


"Iba-iba nga. Ba't ba mas marunong ka pa sa akin? Ako ang bampira dito eh. Maniwala ka na lang sa akin."


Hindi ito sumagot na tumitig lang sa kaniya. Hindi pa yata naniniwala. "Sigurado ka?"


Wala talagang bilib eh.


"O di sige, sasampulan kita ng dalawang kagat para malaman mong. . ." huminto siya dahil bumulong na ito ng mga salitang hindi niya gugustuhing madinig. Hindi niya nadidinig pero nababasa niya sa bibig nito.


"Okay, so yun na. Panatag ka na?"


"Ayos na siguro yun pero hindi pa rin ako naniniwala."


Nagkibit-balikat na lang siya. "Ikaw ang bahala. Basta sinabi ko na sayo ang totoo." Saka siya bumalik sa grupo.


Ang hirap pala talagang makaharap ang pinakamatanda ha? Buti na lang ay naha-handle ito ni Loo.


Ingos lang ang ibinigay niya sa mga kasamahan ng asarin siya ng mga ito tungkol sa nangyari.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon