Chapter 79 _In Ordinary School

265 21 0
                                    

Hindi naging madali kina Enjeru, Gera at Erena ang paninirahan sa America. Ang daming pagkakaiba ng mga nakagawian nila sa England kesa doon sa America.


Magkaiba kasi ang kultura at sa nakasanayan nila. Medyo nahirapan din silang makibagay sa mga tao doon na masyadong moderno sa mga nakasanayan nila.


Hindi naman naging mahirap sa lolo nila ang lugar na yun dahil nga madalas itong mag-travel. Ang tinutuluyan nilang bahay doon ay pag-aari pa ng mga mgulang ng lolo nila.


Doon kasi tumutuloy ang mag-anak kapag nagagawi sa America at hanggang ngayon ay pag-aari pa rin yun ni Eugene.


May isang negosyo ang lolo nila doon kaya may napaglilibangan ito at tiyak na dahil doon ay magtatagal sila sa bansang yun.


Ipinasok naman sila ng lolo nila sa paaralan. Parehong nag-enrol sa High School sina Erena at Gera. Si Enjeru naman ay sa kolehiyo na nasa lugar na yun lang din. About business ang kinuha niyang kurso.


Malapit na ang first day nila dahil inaasikaso pa ng lolo nila ang mga papeles para makapag-aral sila doon.


Sino ba ang mag-aakalang ang bilis nito kaya agad-agad din silang nakakapasok.



~~~~~~


First day of school in Ordinary High School and University:


"Tandaan niyo itong tatlo, wag kayong masyadong humiwalay sa may maraming tao. Gumala kayo doon para kung ano man ang mangyari ay may makakakita." Ang mahigpit na bilin ni Eugene sa kanilang tatlo.


Ipinagmamaneho sila nito papuntang school bago ito pumasok sa trabaho.


Well, malapit lang naman ang bahay nito doon eh. Madadala lang ng pagbibisiklita.


Kung meron.


Sabay-sabay lang silang tumango. Napatingin naman si Enjeru sa katabing mga pinsan dahil hindi mapakali ang mga ito sa suot na uniform.


Well, mataas ang manggas katulad ng sa Vermillion Academy. Kaya lang, hanggang taas ng tuhod ang haba ng palda at hindi sanay ang mga ito. College na kasi siya kaya sibilyan lang ang suot niya. Wala namang uniform ang kinuha niyang kurso eh.


"Gera, ba't lampas tuhod yang medyas mo?" tanong ni Eugene sa kaniya.


"Malamig sa tuhod eh." Aniya lang.


Kulay navy blue kasi ang kulay ng uniporme nila na may dilaw na necktie.


"Erena,"


"Ano? Sakto naman po itong suot ko eh." Reklamo nito kahit wala pa ngang sinabi.


Naikunot ni Eugene ang noo at sinilip sa rearview mirror yun.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now