Chapter 90 _ Home Sweet home

268 18 0
                                    


Hindi pinansin ni Enjeru ang naging sermon ng lolo nila sa kanila ng makauwi na sila kahit pa alam nitong hindi pa rin siya halos makagalaw. Nakaupo lang siya sa sofa katabi si Loo na inaalalayan lang siya at may balot ng kumot.


Si Gera naman nakabihis na pero panay ang bahin at kasalukuyang humihigop ng mainit na kape.


Si Erena nakayuko lang pero hawak kamay nito si Vam.


Nalaman ng lolo nila ang pinanggagawa nila at ng muntikan ng pagkapahamak nila. Yun ang natanggap nila dito.


Galit na galit ito pero sa mga mata nito, naroroon ang lungkot, pagsisisi at pag-aalala habang paulit-ulit silang senesermonan, pero tumatagos lang lahat yun sa kabilang teynga nila.


"Eugene, tama na." Mahinang pigil ni Vam sa kaibigan.


"Hayaan niyo akong magtatalak dito ng matuto ang mga pasaway na ito!" galit na asik nito. "Ikaw ba Enjeru," tiningnan siya nito. "Kung hindi pa dumating si Loo, tiyak na napagsamantalahan ka na. Hindi niyo naman kailangang gawin ang naging plano niyo eh. Sinasaktan niyo lang ang damdamin ko at labis-labis ang pag-sisisi ko dahil akala ko nagbago na kayo. Tingnan mo, nadamay pa itong mga pinsan mo. Ikaw ang matanda kaya dapat alam mo ang ginagawa mo." Patuloy nito.


"Lolo, pakiusap naman." Ang sagot ni Gera sa matanda. "Nanghihina pa siya. Hindi naman niya kasalanan na may sa rapist pala ang Travis na yun, tulad ng di ko kasalanan na ganoon sina Lynette." Katwiran niya.


"Kasalanan niyo naman ito, in the first place eh." Dugtong ni Erena.


Natigilan ang matanda.


"Pst.." mahinang sita niya sa magkapatid. "Hindi dapat kayo sumasagot." Aniya.


Napayuko na lang ang mga ito.


Napaupo na lang sa upuan si Eugene na halatang ang bigat ng kalooban. Kung babae pa ito baka kanina pa ito umiyak.


"Pasensiya na Lolo," aniya lang sa matanda.


"Wag na lang siguro nating isipin yun." ang masiglang wika ni Vam. "Basta ang importate, walang napahamak. Kailangan na din nating bumalik sa England. Nag-aabang na si Philipe doon."


Pero hindi tuminag ang matanda.


"Eugene," tawag ni Civ dito.


"Sige, aalis tayo." Sagot nito na ikinatuwa nila. "Kasalanan ko din naman kumbakit kayo nagkaganyan. Hindi ko na inisip ang damdamin niyo."


Sa huli ay hindi na rin ito nagmatigas pa at sa gabi ding yun ay bumyahe sila pabalik ng England. Si Eugene na lang daw ang bahalang tumawag sa paaralan ng tatlo.



~~~~~~~~~~~


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon