Chapter 12 _Pagdukot kay Tamad

558 22 1
                                    



"Nanaginip ka lang siguro Pinsan." ang sagot ni Gera mula sa loob ng banyo habang nagsisipilyo.


Si Enjeru kasi ang naunang maligo at mag-ayos bago sila pumunta sa hapag-kainan at mag-almusal.


Asar na kinamot ni Enjeru ang ulo. "Alam mong hindi ako nananaginip. Lumabas ako kagabi diba at nakapasok ako sa silid nina Vam."


Tinawanan siya ng malakas ni Erena.


"Nakakahiya ka naman." Asar nito.


Inikutan lang niya ito ng itim na mata. "I know, pero wala na akong magawa naroon na ako eh. Saka hindi ako totally nahiya dahil galing ako sa taranta. Kaya kailangan niyong mag-ingat na dalawa. Baka gawin nila sa atin yung pinag-usapan nila kagabi." bilin niya sa dalawa.


"Anong plano mo ngayon?" si Gera.


"Sasabihin ko kay Sir Philipe ang nadinig ko noh? Aba naman, ayaw ko pang mamatay. Kailangan ring mapigilan ang mga halimaw na yung import from Philippines." Sagot niya.


"Philippines? Paano mo alam?" tanong ni Erena.


"Duh! Basahin mo kaya yung libro ni Mun. Oo nga rin pala, ugaliin niyo na ring sumama sa grupo nina Vam."


Napasimangot si Erena. "Bakit naman? At kami lang?"


"Dahil hindi nila kayo magagalaw kapag kasama natin sina Vam. Parang walang kumakasa sa grupo nila dito eh. Just trust me okay?"


"Okay. Trust you it is." Natatawang sagot ni Gera sa pinsan na inikot na lang ang itim na mata sabay iling.


Ang praning talaga nitong pinsan niya.


Totoo nga siguro ang nakita nito kagabi pero wala namang magagawa sa kanila ang mga hailmaw na yun lalo na dahil umaga. Napakadali namang makahingi ng tulong eh.


Pero dahil sinabi na rin nitong mag-ingat sila, o di sige, gagawin na lang nila.


Pagkatapos niyang magmumug ay inayos niya ang pagkakatapi ng tuwalya para maligo na. Pinuntahan niya ang shower na may nakasabit na shower curtain.


Hinawi niya yun pero ganoon na lang ang gulat niya ng may makita siyang ala-smeagol na halimaw. Nakadikit ito sa pader na parang tuko at nakatitig sa kaniya.


Titili pa lang sana siya ng bigla siya nitong dambahin sa bibig.


Sumuot sa ilong niya ang masangsang nitong amoy. Nahilo siya at nawalan ng malay. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na nangyari.


"Ate, bilisan mo diyan." Sigaw ni Erena sa kapatid.


Tiningnan ni Enjeru ang banyo. Kataka-takang wala man lang siyang nadinig na lagaslas ng tubig. Imposibleng nag-tabo ito. Baka nagbawas muna.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now