Chapter 163_ Ang paglisan

126 14 4
                                    


Walang imik sina Enjeru, Erena, Gera at Anjiri habang nasa bakanting silid lang sila.


Hinintay nilang matapos sa pag-uusap si Eugene at ang mga kaibigan nito. Pagkarating na pagkarating kasi nila mula sa Hapon ay agad na nagbigay ng dogeza si Civ dito. Ang dogeza ay ang pagluhod at paghingi ng tawad habang nakadikit ang noo sa sahig.


Ikinagulat yun ni Eugene. Hindi tuloy sila nito nagawang sermunan dahil sa nangyari.


Kaya kinausap ni Eugene ang mga kaibigan nito at iniwan sila doon.


Kanina pa sila naghihintay kung ano ang magiging desisyon ng lolo nila.


Sigurado kasing kapag hindi nito napatawad si Civ ay aalis silang tatlo sa lugar na yun at hindi na kailanman babalik.


Ginawa nga ni Civ ang inutos ni Enjeru dito. Hindi inaasahan ni Enjeru yun dahil ayos na sa kaniyang wag nitong gawin dahil tutal ay pinatunayan nito ang sarili nito sa kanila at kay Gera.


"Kinakabahan ako," ang sambit ni Erena.


Si Erena ang labis na kinakabahan dahil ito ang mas maaapektuhan sa pag-alis nila sa lugar na yun.


"Mapapatawad kaya ng lolo niyo si Civ?" tanong ni Anjiri.


"Ba't kami ang tinatanong mo eh ikaw ang maghuhula dito? Ano ba ang nakikita mo?" baling ni Enjeru dito.


Pero hindi ito sumagot.


Tahimik lang si Gera. Kinakabahan din naman kasi siya eh. Hindi lang naman si Erena ang madadamay kundi silang lahat. Totoo na nagkaayos na sila ni Civ pero hindi naman ibig sabihin ay hindi na papansinin ng lolo nila ang nagawa ni Civ sa kaniya.


Napatayo silang lahat ng bumukas ang pinto at naunang pumasok si Eugene.


"Umalis na tayo dito." Kaagad na salubong nito.


"Huh?" sabay-sabay na tanong nila.


"S-saglit lang, Lolo. Hindi mo ba nagawang patawarin si Civ kaya aalis tayo dito? Pero lolo naayos na naman eh. Pinatunayan na naman niya ang sarili niya. Ba't pa tayo aalis?" kaagad na kontra ni Erena.


"Oo nga naman." Katwiran agad ni Gera. "Mali ang ginawa niya pero maayos na. Hindi rin naman niya kasalanan kung hindi niya makalimutan si mama eh."


Wala lang imik si Enjeru. Si Anjiri naman ay nasapo lang ang bibig. Hindi makapaniwala.


Seryoso lang ang mukha ni Eugene. Maya-maya ay naikunot ang noo nito. "Ano bang pinagsasabi niyo? Syempre pinatawad ko si Civ."


"Pero sabi mo aalis tayo."


"Oo, uuwi na tayo. Wag nga kayong hysterical. Makakabalik pa kayo dito."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu