Chapter 134 _ Unang Halik

184 17 2
                                    


Seryosong naupo lang sa tabi niya si Loo. Nakatungko habang nakatingin sa kaniya.


"Nadinig ko ang pinag-usapan niyo ni Will kanina." Wika nito.


Patda si Enjeru. Pinanlakihan ng mga mata. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at pinamulahan. "Alin ba doon?"


"Lahat,"


Wala siyang sagot.


"Hindi mo naman kailangang makipaghalikan sa iba para lang makalimutan mo ang ginawa sayo ni Ashanak. Hindi mo rin kailangang ma-guilty dahil hindi mo naman sinasadya yun."


"U-unfair eh. Sayo dapat yun." mahinang bulong niya.


"Baka naman unfair ka sa sarili mo." Napatingin siya sa lalaki. "Walang dahilan para maging unfair ka o ma-guilty ka. Hindi mo na kailangang mag-alala kung ano ang iisipin ko."


"Iniisip mo bang malandi ako? Na kahit sino na lang ay hahayaan kong humalik sa akin dahil lang guapo? Pero wala ka namang pakialam doon diba?"


Matagal bago ito sumagot. "Malandi ka nga,"


Napasimangot siya.


"Pero hindi ka mababang uri ng babae." Inilahad nito ang palad nito.


Hinawakan niya yun saka sabay silang tumayo. "So, hindi mo na ako hahalikan?" gusto lang niyang makasiguro. Mas maganda pa rin kung gawin nito yun diba?


"Hindi ginagawa ang halik para may makalimutan o maalala, ginagawa yun dahil nagmamahalan."


Nakakadismayang sagot.


Gusto tuloy niyang isipin na bakla si Loo. Baka nga bakla si Loo. Baka nga gusto nito ang mga kaibigan nito ng hindi namamalayan kaya hindi ito pumapatol sa kaniya kahit ipagdiinan na niya ang sairili niya dito. Baka nga kahit maghubad siya at gapangin ito sa pagtulog nito ay di pa rin ito papatol eh.


O baka nga ganoon lang siguro kalaki ang respeto nito sa lolo niya kaya ayaw nitong samantalahin ang pagkakataon.


"Hindi mo ba ako mahal?" natanong niya.


Napatingin ito sa kaniya. Ni hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.


Para alam na rin niya kung ano ang isasagot nito eh.


Ang taboo.


Lintik na taboo. Sino ba kasi ang nag-pauso ng salitang yun? Sino ba kasi ang halimaw na nagbawal sa mga halimaw at tao eh.


Magsasalita pa sana si Loo ng itaas niya ang daliri para bawalan ito.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now