Chapter 14 _Ang Tanong

573 21 0
                                    

Sa wakas, nakapasok na rin sila sa engranding library ng gusali. Naroroon sila ngayon dahil sa subject na English.

Sinabi kasi ng guro nilang si Sir Werewolf. Infearness ang cute nga nito eh. Kailangan daw nilang maghanap ng tatlumpong salita na hindi pamilyar sa kanila.

Ang laki at ang lawak ng libaray. Napakaraming libro. Parang kay sarap tumira doon eh.

Ang librarian doon ay kauri ng kambal na pusit. Mas malaki nga lang ito at napaka-strikta. Kauting kaluskus lang ay agad-agad itong nagagalit.

"Tatlumpung salita?" binuksan ni Erena ang libro na nasa tapat. Kasama niyang nakaupo sa mesang yun ang kapatid habang ang pinsan naman ay naghahanap pa rin ng libro.

Silang dalawa lang ang nasa sa mesang naroroon ng bigla na lang maki-join sa kanila ang grupo ni Vam.

"Great, nandito ulit kayo." Matabang na salubong ni Erena sa mga ito. Inikot niya ang itim na mata.

"Malamang. Bakit? Sa inyo ba itong mesa?" sagot ni Vam. Pumiyok ito ng titigan niya ng masama. "Ang ibig kong sabihin, dito muna kami."

Umiling na lang si Erena. Nakakagulat talagang natatakot sa kaniya si Vam. Ganoon na nga siguro siya kabagsik sa paningin nito.

Tiningnan niya si Vam. Abala ito sa pagbubuklat ng libro.

O baka naman hindi talaga ito nananakit ng tao kaya hindi ito pumapatol sa kaniya. Kahit anong sapak, sipa at batok ang gawin niya dito.

Bigla itong lumingon sa kaniya kaya nahuli nitong nakatitig siya dito. Bigla itong napangisi.

"Ba't ka nakatitig?" nangungutyang tanong nito. May makahulugang ngiti at titig.

"Masama bang tumitig?" inis na tanong niya. Naasar siya sa ngiti at titig nito eh.

"Oo, unless. . ."

"Wag mong ituloy yan, sisipain kita." Naisigaw niya at akmang hahampasin ito ng sustsutan siya ng kapatid.

Tinitigan siya nito ng masama. "Ang ingay mo!" asik nito. Mahina pero mariin.

Ibinaba na lang niya ang kamay saka tinitigan ng masama si Vam. Nagkibit-balikat lang ito.

"Sa tuwing magtatabi kayo, panay talaga ang alintan niyong dalawa noh?" tanong ni Civ sa kanila.

Gulat na tiningnan ni Gera ang katabi ng madinig ang boses na yun. At si Civ nga ang nakatayo sa tabi niya. Ano naman ang ginagawa nito doon?

"Medyo, siya kasi asar!" natatawang tinuro ni Vam si Erena. Nainis naman ito.

"Ikaw kaya."

"Ikaw."

Pasimpleng nagtitigan ng masama ang dalawa. Wala si Mun doon para umawat sa dalawa maliban kay Loo na tinutulugan lang ang libro.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Civ.

Tumingin ito sa kaniya. "English din namin ngayon kaya nandito kami."

Nagkibit-balikat lang siya saka muling nagbasa ng libro.

Nakakagulat talaga ito. Bigla na lang sumusulpot.

"Nasaan ba si Enjeru?" tanong ni Vam sa kanila maya-maya.

"Ba't mo siya hinahanap?" balik tanong ni Erena.

"Dahil nakakagulat na hindi kayo magkasama ngayon. Duh." Umirap lang ito.

"Eh bakit di niyo rin kasama si Mun?" balik tanong niya dito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant