Chapter 30 _Ang Mukha ng Mummy

361 18 0
                                    

Inis na inirapan ni Erena ang bampira kinabukasan. Naiinis siyang makita ito dahil sa ginawa sa kaniya. Hindi siya pinatulog ng sinabi nitong nakakakilabot.


"O? Ba't ka naman galit diyan?" tanong nito sa kaniya.


Hindi niya ito pinansin. Nagkunwaring walang nadinig. Siguro ay di na lang niya ito kikibuin. Baka kung ano na naman ang sabihin nitong ikakagulat niya.


"Dahil ba yun sa sinabi ko kahapong---"


"Sabihin mo ulit yun at puputulin ko ang dila mo." Inis na pinandilatan niya ito pero imbis na matakot ay may lumaki ang ngiti nito.


Asar lalo eh.


"Hoy, wag namang ganoon." Gulat na tiningnan niya si Mun dahil ito ang napa-react. Nakatutop pa sa bibig. "Masakit ang ganoon." Wika nito.


"Ba't ba ikaw ang nag-react?" asar na tanong niya dito.


"Dahil Mummy siya." si Vam ang sumagot.


"So?"


"Sa Egypt kasi, may ginagawang mummy na pinuputulan ng dila." Si Enjeru ang sumagot pero nakamasid naman sa natutulog na si Loo.


Tumango si Mun bilang pag-sang-ayon.


"Pinutulan ka ba ng dila?" tanong ng kapatid niya dito.


"Hindi ako. Kapag may nagkasala sa Pharaoh, ay ginagawa silang mummy ng buhay at pinuputulan ng dila. Nililibing ng buhay para hindi na ulit makita. Nai-imagine ko lang na masakit yun." salaysay nito.


Oo nga naman. Nakaka-intriga rin kung ano ang itsura ni Mun sa ilalim ng benda nito. Sigurado naman siyang hindi ito kalansay dahil malaman naman ito. Nakakatakot lang siguro dahil baka inuuod ito sa ilalim ng mga bendang yun kaya kailangan nitong magbenda.


Nakikita niya ang mata at ilang hibla ng buhok sa bahaging yun ng mukha nito kaya sigurado siyang maayos naman ito.


Pero ba't ba nauwi sa pag-uusisa kay Mun. Si Vam ang kaaway niya ngayon eh.


Tiningnan niya si Vam pero ganoon na lang ang inis niya dahil may nangungutya na itong tingin at ngiti sa kaniya.


Halatang inaasar talaga siya.


Maturuan nga ng leksyon. Tingnan lang niya kung hindi ito sumigaw na parang babae.


May sinabi siyang salita kaya ganoon na lang ang gulat niya ng magsigawan ang halos lahat ng halimaw sa buong silid na yun. May ilan pang lumayo sa kaniya. Takot na takot ang mukha ng mga ito habang nakatakip sa mga teynga.


Tiningnan niya si Vam at nakasiksik na ito sa ilalim ng mesa nito. Si Mun ay nakadapa at takip ng mga teynga. Si Loo naman ay nagising din habang nakatakip sa mga teynga.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ