Huminto si Loo sa pagtakbo ng saktong makalabas na siya ng kweba. Mabilis niyang ibinaba si Enjeru at sinuri agad ang pulso nito.
Mas mahina yun kesa kanina. Para bang sandali lang ay tuluyan na itong bibigay.
"Hindi ito maaari!" alalang sambit niya na agad itong niyugyug. "Enjeru hindi ka pwedeng sumuko." Sinuri niya ang hininga nito. Wala siyang maramdaman. "Gumising ka! Pasaway, gumising ka!" muli niyang tiningnan ang pulso nito.
Nabibilang na niya ang beat non.
Dahil doon ay mas nataranta siya.
Ano ba ang gagawin? Hindi na siya aabot pag nagkataon.
May tiwala sa kanya ang mga kaibigan.
Tiyak na malaking kabiguan yun kapag hindi niya ito nailigtas.
Napapiksi siya na tinitigan ang mukha nito.
Bakit kasi huli pa silang dumating? Hindi tuloy niya ito natulungan.
Ang hina!
"Hoy Enjeru! Hindi ka pwedeng sumuko." Tarantang niyugyug niya ito.
Hindi kasi ito dapat na natulog eh.
Naramdaman niyang yumanig ang paligid. Marahil dahil yun sa nangyayari sa ilalim pero hindi na niya poprobelmahin yun.
Mas mahalaga ang nag-aagaw buhay na kaibigan.
Inihiga niya ito sa lupa saka niya binigyan ng CPR. Kahit papano ay tinuruan sila non sa klase.
Sinuri niya ang pulso nito, ganoon pa din.
Inulit pa niya ang pag-pump sa dibdib nito. Yumuko siya saka ibinuka ang bibig nito at binigyan ito at hinalikan.
Hindi naman talaga hinalikan.
Binibigyan lang niya ito ng hangin. Yun na lang ang magagawa niya.
Tumayo siya saka muling nag-pump sa dibdib nito. Kailangan nitong mabuhay. Ayaw niyang mabigo sa lahat pero ang pinaka-importante ngayon ay ayaw niyang mawala ito.
Nasan na ba yung pinangako nito?
Hindi dapat itong sumuko.
Muli niya itong hinalikan at binigyan ng hangin.
Paulit-ulit ang ginawa niya.
Ng muli niyang suriin ang pulso nito ay lumalakas na yun. naramdaman na rin niyang humihinga ito ng bahagya.
![](https://img.wattpad.com/cover/103857270-288-k783972.jpg)
YOU ARE READING
Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]
FantasyAkalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na tinatawag na Vermillion Academy kung saan, bawal ang tao. Kaya lang nabula...