Chapter 37 _Pasko ng mga Halimaw

312 17 0
                                    

"With Effort?" nauli ni Vam.


"And Love?" dugtong ni Mun.


Tinanguan lang ni Loo ang tanong ng dalawa. "Hindi ko talaga nadinig kung ano ang specific na mga gusto nila. Kahit ano, basta may effort at love." Ulit niya.


"Naku, mahirap ang ganyan." Ang agaw pansin ni Civ.


Tiningnan nilang tatlo ito.


"Bakit naman? Madali na nga yun eh! At least diba? May tip na tayo at hindi na mamimili dahil magugustuhan na nila lahat." Si Mun.


"Oo nga pero napapasaisip naman tayo kung ano." Si Civ.


"Kahit ano na nga ang sinabi diba?" ang giit pa rin ni Loo.


"May ideya ka ba, Loo?"


Tumango lang siya. May ideya na siya kung ano ang ibibigay niya dito. Nabigyan nga siya kanina ng ideya kaya magiging madali yun.


"Kailangan ko pang mag-isip ng matagal kung ano ang ibibigay ko." ang wika ni Vam. Bumuntong-hinga ito. "Siguro pag-iisipan ko na lang ng mabuti. Malayo pa naman."


Tama. Marami pa silang araw para pag-isipan kung ano ang magandang ibigay.


Pero kailangan ba talaga spesyal?


Spesyal at excited lang magbigay ng regalo sa tulad nilang mga first timer.



~~~~~~~~~~



Ba't ganon? Hindi man lang ba ito aware na naroroon siya?


Yun ang madalas itanong ni Loo sa sarili habang pasulyap-sulyap kay Enjeru na nasa tabi niya. lantaran itong nagtatahi ng muffler.


Di ba pangalan naman niya ang najbunot nito kaya bakit hindi man lang ito aware na naroon siya?


Hindi na surprise yun eh.


"Hoy. Lantaran mo talagang tinatahi yan sa harap ni Loo?" bulong ni Gera dito.


Nahiga na lang siya. Hindi na lang siguro niya papansinin ito.


"Ayos lang yun," sagot nito.


"Pero para sa kaniya yan diba?" tanong ni Erena.


"Shh. Wag ng maingay okay?"


Nagkibit balikat na lang ang dalawa at hindi na pinansin ang pasaway na pinsan.


Magugustuhan kaya nito ang ibibigay niya ngayong pasko?


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat