Chapter 53: Magnus Gregory

1.8K 61 6

Magnus Gregory

Wesley's POV

Hindi ko na alam paano pa ako nakarating dito sa ospital sa sobrang pagmamadali. Gusto kong mairita sa kanilang lahat na nakabalik na sa academy dahil wala akong macontact miski na isa sa kanila para hingan ng tulong pero hindi ko naman sila pwedeng sisihin dahil pagod silang lahat galing sa bakasyon, at wala silang alam tungkol sa mga nalalaman ni Sir Magnus.

Gusto ko nalang magpasalamat kay Craig na hindi sinasadyang makita si Sir Magnus na nakahandusay daw sa loob ng library.

Halos ang grupo pa lang namin na MCC ang nakabalik sa academy mula sa bakasyon dahil isa't kalahating linggo pa naman bago magpasukan para sa second semester kaya nakakapagtakha na bakit nasa academy ngayon si Sir Magnus Gregory, maliban nalang kung hindi pala siya umalis dito. Maaari din na dahil may usapan kami na magkikita pero hindi ko inaasahan na ngayon yun mangyayari at higit sa lahat maaaring taga academy ang pinaghihinalaan niyang si Ahriman dahil sa ginawang pag atake sa kanya.

"Wesley." Sinalubong ako kaagad nila Amber na mukhang nalilito narin sa mga nangyayari.

"Asan na si Sir?" Sana ay walang masamang nangyari sa kanya, kundi ay sisisihin ko talaga ang sarili ko.

"Nasa operating room pa siya, ang mabuti pa ikaw ang makipag usap sa mga doctor pagkatapos nilang operahan si Sir Magnus ." Malungkot na sinabi nila Ms. Laura, kung ganoon ay nasa bingit nga siya dahil sa akin.

Hindi ko na nagawang kausapin pa ang iba dahil baka maibunton ko lang sa kanila ang galit ko sa sarili ko, bakit ba hindi ko naisip na nasa panganib din ang buhay niya lalo na't may posibilidad na alam na nga niya kung sino ba talaga si Ahriman.

Tumayo ako at nagpasya na magpunta nalang sa maliit na chapel nang ospital, wala na yata akong lakas ng loob ngayon. Sa tingin ko mahihirapan akong makisalamuha sa mga kagrupo ko, dahil hindi ko na alam kung sino sa kanila ang kakampi at kalaban.

"Saan ka pupunta Wesley?" Napansin ni Ms. Laura ang pagtayo ko.

"Pupunta lang ako sa chapel sa second floor, pakitawagan nalang ako kapag tapos nang maoprehan si Sir Magnus." Hindi ko na hinintay na sumagot siya, nag umpisa na akong maglakad papunta sa chapel.

Pagkababa nang elevator sa second floor ay naramdaman ko ang katahimikan. Wala halos tao sa floor na to.

Nag umpisa na akong maglakad at natanaw ko kaagad ang chapel kung saan ako patungo.

Pagbukas ko nang pinto bumungad sa akin ang isang pamilyar na likod. Si Kenna, nakaluhod at taimtim na nagdarasal, naalala ko na malapit rin nga pala siya kay Sir Magnus dahil tinatawag niya tong Lolo.

Naisipan ko na umupo sa tabi niya, sa palagay ko ito ang pinaka tamang lugar kung saan kami dapat mag usap, sa harap ng Maykapal. Aminin ko man o hindi, gusto ko si Kenna pero hindi ko siya lubusang kilala, pakiramdam ko siya ang pinakahindi ko kilala sa grupo at masakit sa akin yon.

Dahan dahan akong umupo sa tabi niya hindi ko sigurado kung naramdaman niya ang presensya ko sa tabi niya dahil patuloy lang siya sa pagdarasal. Pinagmasdan ko lang siyang mabuti na nakapikit, gusto kong malaman kung anong pinagdarasal niya. Hindi nagtagal ay nag antanda na siya ay nag angat ng tingin medyo nagulat pa siya nang makita niya na may nakaupo na ngayon sa tabi niya, kaya mabilis siyang umalis sa pagkakaluhod at umupo sa tabi ko.

"Wesley ikaw pala yan, kanina ka paba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman, halos kadarating ko lang."

"Magdarasal ka rin ba? gusto mo umalis na ako para makapag concentrate ka?" Alok niya sa akin, iniisip niya ba na abala siya sa akin pati sa pagdarasal.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!