Chapter 54: Seymour Prodigious

1.9K 61 16

Seymour Prodigious

Wesley's POV

Ring......

Natauhan ako dahil sa pagtunog nang cellphone ko. Hanggang ngayon ay nandito parin ako sa chapel.

"Hello Amber."

"Wesley pinatawag ako ni Ms. Laura sayo, sabi niya bumalik kana dito matatapos na yung operation ni Sir Magnus, mas mabuti daw kung ikaw ang makausap nang mga doctor." Sabi ni Amber sa kabilang linya.

"Okay." Ang tanging naisagot ko sa kanya.

Pagkaakyat ko sa floor kung nasaan si Sir Gregory ay natanaw ko na silang lahat na naghihintay sa pagbukas ng pintuan kung saan ito inooperahan para dw matagal ang namuong dugo niya sa ulo dahil sa lakas ng pagkakahampas sa kanya.

Saktong paglapit ko sa kanila ay bumukas ang pintuan.

"Doc kamusta po ang professor namin." Mabilis na tanong ni Amber.

"Successful ang operation niya pinilit niyang lumaban, he's safe..... but I'm afraid to say na maaaring he'll be in coma nang mahabang panahon dahil sa mga severe damages na natamo nang brain niya dahil sa lakas ng bagay na tumama sa ulo niya. Ang pinaka mainam lang sa nangyari ay nahanap niyo siya kaagad at mabilis na natanggal ang namuong dugo sa utak niya. All we can do now is pray." Malungkot niyang pahayag sa lahat.

"San ba kasi nanggaling ang baseball bat na ipinalo sa kanya, sa tingin niyo ba taga baseball team ang may kasalanan?" Wala sa hulog na ideya ni Clifford.

"Malabo yan dahil nakalock ang kanya kanyang headquarters maliban nalang kung may kakayahan yung tao na yun kuhanin yon sa headquarters ng baseball team." Paliwanag ni Craig sa kanya.

"Mauna na ako, ililipat na si Mr. Gregory sa ICU." Tinapik ng Doctor si Sir Blair at nagpaalam.

"Wesley diba ikaw ang kausap niya kagabi sa cellphone, pero kanina anong nangyari? may ideya kaba kung sinong may kagagawan nito." Tanong ni Ms. Laura sa akin, napatingin ako sa gawi ni Kenna. Tama nga siguro siya kailangan ko din magtiwala kahit na paminsan minsan. Kailangan ko nang sabihin ang mga nalalaman ko.

"Ang mabuti pa umupo muna tayong lahat." Tinuro ni Sir Blair ang mga upuan sa tapat ng operating room.

Nang makapwesto na ang lahat ay saka ako nag umpisang magkwento. " Ang totoo niyan tungkol kay Ahriman ang nataggap kong tawag mula kay Sir Magnus, sinabi niya na kailangan daw namin mag usap pero nawala sa isip ko yon dahil sa natanggap kong tawag kay Dad na kailangan kong umuwi sa bahay. At kaninang hapon naman nakatanggap akong muli ng tawag mula kay Sir Magnus, sabi niya ay malaki ang tyansa na tama ang hinala niya kung sino si Ahriman at maaring wala na tayong panahon, pero bago ko pa maitanong kung sino si Ahriman ay may narinig na akong malakas na kalabog." Pinagtapat ko na sa kanilang lahat.

"Kung ganoon pwedeng si Ahriman ang may kagagawan nito kay Sir Magnus? pinagtangkaan niya ang matandang professor dahil marami na siyang natuklasan." Hinala ni Ms. Laura kung sinong may kagagawan.

"Malaki ang kasalanan mo Wesley sa pagkakataon na to, kung marunong kang magtiwala sa amin baka maaaring hindi nangyari to." Sinisisi ako ni Craig ngayon pero hindi ko siya sinagot dahil tama naman siya kung sinabi ko sa kanila kagabi palang ang natanggap kong tawag ay maaaring hindi nangyari kay Sir Magnus ito.

"Craig tama na, hindi mo naman masisisi si Wesley kahit naman siguro ikaw nahihirapan magtiwala ngayon dito sa grupo. Isa pa hindi naman yata niya alam na nasa academy din si Sir Magnus kanina, at parehas siguro nilang hindi inaasahan na mabilis malalaman ni Ahriman na may ideya na sila kung sino siya. Tama pa Wesley?" Sinubukan ni Amber na ipaliwanag ang side ko sa kanila pero tama si Craig sa sinabi niya. Wala akong tiwala sa kanila.

"Oo Amber hindi ko inaasahan na ganun kabilis, hindi ko rin alam na nandito siya sa Cuthbert ang inaasahan ko ay babalik lang siya dito kung makakabalik na ako. Pero kahit na ganon gusto kong humingi ng tawad sa inyo, malaki ang kasalanan ko. Tama ka Kenna hindi ako nagtiwala sa inyo, hindi ko man lang sinubukan. Tama ka rin Craig ako ang dapat sisihin ngayon sa nangyari, masyado akong naging kampante at pabaya." Bakas sa mukha nila ang pagkabigla dahil sa paghingi ko nang tawad lalo na si Kenna.

Pagkasabi ko nang mga dapat kong sabihin sa kanila ay tumayo na ako dahil inilabas na si Sir Magnus para ilipat sa ICU, na katabi lang naman ng operating room. "Hayaan niyo nang ako ang magbantay sa kanya."

Walang umimik miski isa, tanda ng pag sang ayon nila.

"Ehem.... ang mabuti pa magpahinga na tayong lahat ngayon dahil hating gabi nanaman, pare parehas tayong walang pahinga." Pagyaya ni Sir sa lahat.

"Wesley mabuti pa samahan ka nalang namin, dito rin naman muna ako mag iistay sa ospital hanggang bago magpasukan." Alok ni Chloe sa akin.

Hindi na ako tumanggi dahil malapit lang naman ang hospital room ni Chloe at ICU kung nasaan si Sir Gregory dahil kagaya dati kay Chloe ay ipinalista rin nila Ms. Laura si Sir Gregory bilang confidential na pasyente ng ospital.

"Siya nga pala Wesley wag mo kalimutan na next day na yung kaarawan ni Mr. Prodigious, paniguradong invited ka dahil malapit silang magkaibigan ni Detective Philbert diba?" Gusto ko sanang itanong kay Ms. Laura kung bakit alam niyang imbitado ako pero naisip ko na guro nga pala siya ng academy kaya alam niya.

"Oo nga pala invited din ako." Pakita ni Clifford sa imbitasyon.

"Ako din." Sabi ni Dwayne.

"Sa totoo lang ako din." Kung ganun si Amber din.

Nagsalita rin Si Kenna. "Mukhang alam ko na kung saang party ako isasama ni Daddy, tumawag siya sa akin kaninang tanghali sinabi niya na uuwi siya at maghanda ako dahil isasama niya ako sa birthday ng kaibigan niya, gusto niya akong ipakilala kahit man lang daw sa kanila." Kung ganoon malaki rin ang chance na si Uncle Seymour ang kaibigan ng Daddy ni Kenna. Kung ganoon magkakilala sila at hindi alam ni Kenna yon.

"Bakit pakiramdam ko palapit na talaga?" Parang kinikilabutan si Clifford sa ideya niya.

"Tama ka ramdam ko rin na malapit na nating malaman kung sino si Ahriman." Pag sang ayon ni Dwayne sa sinabi ni Clifford.

"Kung ganoon invited pala tayong lahat?" Tanong ni Ms. Laura sa lahat.

"Uhmm hindi po ako nakatanggap Ms. Laura, dahil hindi naman po yata magkakilala si Mommy at si Mr. Prodigious." Sabi ni Chloe sa kanya.

"Ikaw lang ba Chloe?" Ani Ms. Laura sa kanya.

"Hindi rin ako pupunta." Nagsalita si Craig sa mukhang wala rin interest sa magaganap na kaarawan ng may ari ng paaralan.

"Are you sure na hindi ka pupunta?" Natatawang sagot ni Ms. Laura, bakit kaya.

"Tsss. Yes Miss sa tingin ko hindi na kailangan ni Mr. Prodigious na imbitahan ang lahat para sa selebrasyon niya." Iritadong sinabi niya kay Ms. Laura.

"Kung ganoon Craig pwede ba na kayo ni Chloe ang magbantay kay Sir Magnus sa isang araw kapag umattend kami sa party?" Hiling ni Ms. Laura sa kanila.

"Sa akin po walang problema." Pinaunlakan ni Chloe ang hiling ni Ms. Laura pero tumingin siya pasimple sa gawi ni Craig, naghihintay rin siya siguro ng sagot nito.

"Oo magbabantay ako, isa pa kailangan natin masigurado na ligtas siya. Hindi natin alam kung ano pang kayang gawin ni Ahriman sa kanya dahil sa mga nalalaman niya." Tama si Craig, maaaring binalak naman talagang tapusin ni Ahriman si Sir Gregory at swerte lang na nakita nila ito kaya naitakbo kaagad sa ospital dahil kung hindi ay maaaring wala na ngayon ang matanda.

*****************
Author's Note:

Hi Friends, pasensya na kung saan saan ako naglalagay ng A/N ko haha wala kasing punapansin.

Ano sa palagay niyo may ideya naba kayo kung sino si Ahriman? mga 7 chapters nalang. OMG hahaha.

-Lian

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!