Chapter 5: Picture

4.6K 144 2

Picture

Craig's POV

Kasama ko ngayon sa interview room si Wesley at Sir Blair para kausapin si Chuck Lars. Ang tinuturong malapit na kaibigan ni Ralph.

"Pwede kabang magkwento sa amin ng mga nalalaman mo tungkol kay Ralph, dahil ikaw ang pinakamalapit niyang kaibigan." Utos ko kay Chuck.

"One year ago nang lumipat ako dito siya agad ang naging kasa-kasama ko. Marami nang nagsabi na iwasan ko siya dahil bully nga daw si Ralph at may namatay na dahil sa kanya. Ngunit hindi ganun ang nakikita ko. Mabuti siyang kaibigan sa akin, pero ilang buwan bago siya mamatay lagi niyang binabanggit yung Adam Ross. Ang sabi niya ay hindi niya sinasadya ang nangyari at bata pa siya nun.  Hindi niya daw naisip na maaring humantong sa pagpapakamatay yung pang bubully niya. Lagi niyang sinasabi na nagpapakita sa kanya si Adam at isang beses ay ipinilit niya pa sa akin na nagchat daw ito sa kanya. Hinihiling din ang kamatayan niya kagaya ng paraan ng pagpapakamatay nito." Paliwanag niya sa mga nalalaman niya.

"Anong ginawa mo?" Pagpapatuloy ko sa kwento niya.

"Dahil malapit kaming magkaibigan tinulungan ko siya. Sinubukan kong alamin ang IP address ng nang gagago sa kanya pero bigo akong malaman."

"Magkaibigan kayo diba? Bakit hindi mo pinaalam sa principal o sa mga professor? Hindi mo ba naisip na maaring buhay pa siya ngayon kung ginawa mo yun. Maaring natulungan siya ng mga mas nakakataas dito sa academy." Sabi ni Wesley kay Chuck.

"Sinisisi mo ba ako? Alam mo ba ang dahilan kung bakit ko hindi ginawa yun? Dahil natatakot ako na malaman nila ang totoo at maexpel siya dito. Hindi ko alam na hahantong siya sa pagpapakamatay." Galit na sinabi nito kay Wesley.

"Sige sabihin mo ano ba ang hindi namin dapat malaman?" Pagkumbinsi ko sa kanya para sabihin ang nalalaman niya.

"Ang totoo ay lulong na siya sa droga at kung magsasabi ako sa principal pwede siyang matanggal dito sa academy. Lulong na siya kaya kung ano ano ng nakikita niya. Araw araw ipinipilit niyang nakikita niya si Adam pero patay na siya diba? Paano niyang makikita."

"Sabihin mo samin asan ka nung mga oras na nagpakamatay siya?" Tanong kong muli.

"Ang totoo niyan ay magkasama kami ilang oras bago siya mamatay pero pagkatapos nun ay bumalik na ako sa kwarto ko."

"Totoo ang sinabi niya napatunayan yun na kasamahan niya sa kwarto." Patunay ni Sir Blair.

Pag katapos ng mga katanungan namin sa kanya ay pinaalis na rin siya. Mukhang malabo na siya ang pumatay dahil wala naman siyang motibo.

Clifford's POV

Nandito kami sa morgue kasama ko sina Amber at Chloe, S/Insp. Garreth Donovan at ang alalay niyang si Andrew. Bwiset na bwiset ako sa kanya dahil sigurado ako na may gusto ang isang to kay Amber.

"Ehem." Nagpekeng ubo ako para kunin ang atensyon nila.

"Pasensya na sa abala pero pwede bang makakuha ng statemenent sa inyo Andrew?" Nakita ko ang pag irap ni Amber sa akin dahil sa ginawa kong pag singit sa usapan nila.

"Ano ba sa palagay mo ang ginagawa namin? Nag uusap kami dito tungkol sa nakuha nilang gamot sa bulsa ni Ralph." Sabi niya sabay walk out.

"Pasensya na pre hindi ko narinig." Kunyaring despensa ko sa alalay ni Donovan.

"Ayos lang nakakatuwa naman si Amber. Fierce." Nakita ko ang paghanga sa mata niya at hindi ko nagustuhan yon.

"Tungkol pala sa gamot, LSD ang tawag nila dun. It causes hallucination. Lumalabas ang epekto within an hour at tumatagal up to 12 hours. At positive siya dito ng magpakamatay siya." Paliwanag niya sa nakuhang gamot sa bulsa ni Ralph.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!