Chapter 38: Case closed

2.2K 57 1

Case closed

Amber's POV

Napasandal nalang ako sa upuan, iniisip ko kung anong gustong palabasin ni Wesley sa inutos niya sa akin. Dalawang oras na akong nakatutok sa screen ng computer ko, wala akong makitang koneksyon niya kay Zsarina o miski na kay Pierre, kaya bakit siya pinag hihinalaan ni Wesley?

"Ms. Laura anong masasabi mo kay Pierre?" Narinig kong lumabas na ng interview room si  Ms. Laura at Craig, one hour after nilang payagang makaalis si Pierre.

Hindi ko na nasundan ang usapan nila dahil may gumugulo sa isip ko.

"Ms. Ms." Paulit ulit sa isip ko ang title na to, hanggang sa maalala ko na kung bakit. "Ahhh tama!!!!" Napalakas ang boses ko kaya nakuha ko ang atensyon nilang dalawa.

"Napano ka dyan?" Tanong sa akin ni Craig.

"Ahh wala....wala may naalala lang ako." Napakamot nalang ako kunyari sa ulo dahil sa ginawa ko. Ayoko munang sabihin sa kanila kung anong nasa isip ko, hindi pa naman ako sigurado. Kailangan ko pang humanap ng legit information.

Wesley' POV

Pabalik na kami ni Kenna sa headquarters. Napatunayan sa cctv ng Dead Vile na inosente si Pierre. Nasa bar siya ng mga oras na nasa computer room naman ang nagpakilalang si Ahriman.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Kenna ng sa wakas may narinig na akong ingay galing sa pwesto ni Amber. "Ahhh tama!!!!" Sigaw niya. May nalaman na kaya siya?

"Napano ka dyan?" Narinig kong tanong ni Craig.

"Ahh wala....wala may naalala lang ako." Wala siyang balak sabihin sa kanila. Sa akin kaya ay may balak siyang magsabi, sa palagay ko ay may nalaman na siya.

Naghintay ako ng ilang minuto pero walang tawag galing kay Amber. Isa lang ang ibig sabihin nito may nalaman nga talaga siya tungkol sa ipinakiusap ko, pero wala pa siyang balak sabihin sa amin, kung ano man yon ay malalaman ko din.


Kenna's POV

Hindi na nagsalita si Wesley, ano kayang tumatakbo sa isip niya. Naalala ko na naman noong unang araw na makilala ko siya. Walang kahirap hirap niyang nalaman na hindi naman totoo yung palabas namin sa kanya.

Hanggang ngayon ganun parin ang pinapakita niya, parang lahat nang kaso kaya niyang malutas. Mahirap siyang mabasa, para siyang walang senses, pero hindi mo namamalayan na naririnig ka niya, nakikita at lalong nararamdaman.

Nakabalik na kami sa headquarters, magkakasama na sila Amber, Craig, Sir Blair at Ms. Laura sa sala habang seryosong nag uusap.

"Nakabalik na pala kayo." Bati ni Ms. Laura.

"Opo. May mga nalaman kami para mapatunayang inosente si Pierre." Sagot ko sa kanila na mukhang nag aabang na talaga ng sasabihin namin.

"Ayan nga ang pinag uusapan namin ngayon." Sagot niya pang muli.

Lumapit na rin si Wesley sa amin at nakisali sa usapan. "Napanood namin yung cctv sa Dead Vile kahapon, nandoon si Pierre at marami ring nagpatunay."

"Tinanong din namin lahat ng kaibigan niya at mga nakasama na taga dito. Pare parehas nilang napatunayan na inosente siya." Dagdag pa ni Craig sa mga patunay na inosente si Pierre.

"Kung ganon, this case is closed. Walang suspect, walang foul play." Tila nakakasiguradong sabi ni Ms. Laura.

"Hindi pa dahil hindi natin alam kung anong pakay ni Ahriman, bakit niya naisipang takutin si Zsarina, na naging dahilan ng pagpapakamatay niya." Tama si Wesley, hindi pa namin alam ang dahilan kung bakit nagmessage at nagpakita si Ahriman kay Zsarina, kung wala namang koneksyon.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!