Chapter 48: MCC's History (Part I)

2.2K 61 8

MCC's History

Dwayne's POV

Four days na kami ngayon dito sa beach, bukas ay babalik na kami sa Manila para makapag liwaliw pa daw bago mag umpisa ang second sem, isa't kalahating linggo simula ngayon. It means na kami parin ang magkakasama, wala kasi yatang may balak sa kahit isa sa amin na umuwi sa kanya kanyang bahay para bumisita. 

Nakapalibot kami ngayon dito sa gitna ng bonfire, naisip kasi ni Chloe na mag usap usap lang daw kaming lahat just like before, para na rin makwento namin kay Wesley kung paano nga ba nabuo yung grupo.

"Well guys sinong mag uumpisang magkwento. I think this will be the first time na pag uusapan natin kung paano nga ba nabuo itong MCC so hindi lang si Wesley ang bagong makakarinig nito, kundi tayong lahat dito, never kasi natin napag usapan." Pag umpisa ni Ms. Laura, ngayon ko lang rin napagtanto na palagi kaming nag kukwentuhan noon pero never namin naging topic kung paano kami napadpad lahat sa Cuthbert and paano nga ba kami nagstart.

"Sino nga bang nauna sa Cuthbert sa'ting lahat dito?" Nagkatinginan kaming lahat dito sa tanong ni Sir Blair.

"Kayo!" Nagkasabay sabay kami ng turong apat. Si Ms. Laura, Sir Blair, Amber at ako.

"Siguro mas maganda kung isa isahin natin kung bakit ba tayo napunta sa Cuthbert. You go first Amber." Turo ni Ms. Laura kay Amber, nauna naman kasi siya dito bago ako.

"Okay so yung Cuthbert kasi diba is actually more of a dorm slash school slash place kung saan pwede ka munang mag isip isip kung ano bang gusto mo sa life mo.  That's the main reason bakit naisipan kong magtransfer dito. I was in my 10th grade nang maisip ko nalang bigla na lilipat ako dito kahit start na ng school year, mag pi-fifthteen lang ako noon, so kung hindi ako dito nag aral meron nalang akong two to three years para maghanda sa college dahil hanggang grade 12 lang naman ang inooffer sa mga normal school diba, and ayun nga nasabi ko naman na sa inyo noon na hindi ko pangarap sumunod sa yapak ni lolo at nang parents ko, kaya kung dito ako sa Cuthbert magtatapos ng secondary schooling ko meron pa akong tertiary years which is grade 13,14 and 15 so by that time na matapos ko lahat yon twenty years old na ako and since adult na ako by that time baka alam ko na kung anong gusto ko but sad to say grade 14 na tayo and sure na sure akong hindi ko pangarap maging kagaya nila lolo. Hay ang haba ng sinabi ko, in short ako ang nauna sa atin dito, bukod syempre kay Ms. Laura. Then one month na yatang start ng school year nung grade 10 ako pero nakapasok parin ako sa academy I don't know anong ginawa ni lolo, and since late na nga ako nag enroll wala akong friends, lahat my circle of friends na, pero one day this super tahimik na guy came, late enrollee din siya and sobrang suplado sa lahat ng babaeng nagkakagusto sa kanya." Natawa si Amber at tumingin sa akin. Napangiti nalang ako dahil naalala ko paano kami naging mag bestfriend.

"Kung makapag sabi ka ng sobrang tahimik ang O.A mo pasalamat ka dinagdag mo na maraming nag kakagusto sakin kundi lagot ka talaga." Banta ko kay Amber bago ko ituloy ang kwento niya, dahil ako naman ang sunod na dumating sa Cuthbert.

"Ayun nga nag enroll ako sa Cuthbert kasi kagaya ni Amber wala pa talaga akong definite na gusto sa buhay so kaysa maglakwatsa ako, its better to stay nalang din sa school habang nag iisip kung ano nga bang gusto ko sa buhay. Nung marinig ko kila Mommy yung about dito sa Cuthbert nagpalipat kaagad ako and hindi ko ineexpect na parang artista pala ako, tahimik lang ako noon tas lagi akong pinagkakaguluhan. I remember na kaya kami naging mag bestfriend ni Amber kasi meron akong isang grupo ng mga stalker, lagi nila akong kinukulit, one day di ko na natiis kaya tinakbuhan ko sila then nasalubong ko si Amber hindi ko alam pero suplada kasi siya sa akin kaya naisip ko na isama siya sa pagtakbo ko, mapagtripan lang haha, pero yun pala doon na nag umpisa yung friendship namin, siya lang yata kasi yung hindi naattract sakin." Natatawa talaga ako sa naalala ko, naalala ko kasi na takot na takot si Amber dahil pati siya ay malalagot daw sa mga stalker ko kapag nalaman na siya yung isinama ko sa pagtakbo.

"Ang kapal mo, kaya tignan mo never na akong nag long hair, na trauma na ako kasi naalala ko nung tinakot ako nung piggy mong stalker na sasabunutan niya ako tsaka niya daw isasakal sakin yung buhok kong mahaba." Nagtawanan kami dahil kitang kita sa mukha ni Amber yung pagkabahala sa naaalala niya, four years ago na yun pero ganyan parin siya.

"Dapat pala Dwayne bestfriend din tayo." Bilang singit ni Kenna.

"At bakit?" Tinaasan ko siya ng isang kilay, siguradong babanat na naman to.

"Kasi hindi naman kita natypan. Sabi mo kasi kaya kayo bestfriend ni Amber kasi never ka niyang nagustuhan hehehe." Aba gumaganti talaga siya.

Makabawi nga. "Hindi mo naman talaga ako magugustuhan, si Craig nga nafriendzoned mo hahaha." Sinamaan lang ako ni Craig ng tingin dahil sa biro ko. Hindi naman siya napipikon sa akin dahil alam niyang malakas lang ako mang asar pero wala akong ibig sabihin.

"Hmmppff!" Nginusuan lang ako ni Kenna, ang cute niya talaga. Akala niya siguro mananalo siya sa akin.

"Kayo talaga palagi niyong inaasar si Kenna at Craig, bat hindi niyo subukan si Wesley hahaha." Mas natawa ako sa suggestion ni Sir Blair.

"Bato yata tong si Wesley, kahit batuhin ko ng granada walang reaksyon." Kantyaw pa ni Clifford kay Wesley.

"Tsss. Tigilan mo ako. Palibhasa gising na gising ka ng magsaboy ng kaingayan, mabuti pa magkwento kana ikaw ang pangatlong nag enroll diba? ikwento mo paano ka nagkagusto kay Amber." Aba'aba si Wesley ba to, gumaganti huh.

Tinignan ko si Amber, hindi siya nagreact sa sinabi ni Wesley. Nakayuko lang siya.

"Tse! I hate you break na tayo." Parang babaeng sinabi ni Cliff kay Wesley.

"Bromance lang bro? magkwento kana at tigilan mo ang pag iinarte." Utos ko sa kanya.

"Hmm isa kapa break na tayo." Nagtawanan kami dahil bumalik na nga talaga si Clifford.

"Okay sige seryoso na, naalala ko na summer noon bago ako mag grade 11, nagdecide ako na dito mag aral sa Pinas, ang alam nila Mommy sa isang all boys school ako mag eenroll pero ang totoo doon ako sa Cuthbert mag aaral para mapalapit kay Donovan, malapit kasi dito yung headquaters nila diba.  Sumang ayon naman si Mommy sa gusto ko, inakala niya nga kasi na sa all boys school ako mag aaral, kinausap niya rin si Ninong Hugo para maging guardian ko dahil mag bestfriend sila, pero dahil malapit din naman ako kay Ninong nakiusap ako na tulungan akong pagtakpan kay Mommy na sa Cuthbert nga ako mag aaral tutal doon din naman siya nagtatrabaho, di ko alam yung reason niya noon kung bakit pumayag siya sa gusto ko pero hindi na ako nagtanong baka magbago pa isip niya. Nung ma-fix na lahat at nagpasukan na may nakikita akong laging magkasama si Dwayne at Amber, akala ko nga may relasyon sila pero may narinig ako na nagsabing mag bestfriend lang daw, eh crush na crush ko si Amber kaya naglakas loob akong magtanong kay Dwayne pero bwenas yata ako, hindi pala sila kaya ayun lagi na akong lumalapit kay Dwayne para magtanong about Amber." Nakahawak sa batok si unggoy, parang kinikilig pa habang nagkukwento, parang bakla lang hehe. Tinignan ko uli si Amber, bakit kaya natahimik siya. Kinikilig din siguro.

"Clifford paano ka nakalusot sa Academy ng hindi nalalaman ni Mommy mo, nabanggit kasi ni Ms. Laura na close ang mommy mo at si Mr. Prodigious diba, kaya nga rin nakapag advance ka ng exit exam nung nakaraan." Usisa ni Kenna kay Cliff.

"About naman dyan nung nakaraan ko lang din narealized yang tanong mo parang hindi naman kasi ganun kadaling mapag takpan ako ni Ninong." Sagot ni Clifford sa kanya.

"Ano ngang nangyari bakit di nakarating sa Mommy mo kung kaibigan niya si Mr. Prodigious?" Tanong uli ni Kenna, nakikinig kami lahat dahil nakakapagtakha nga.

"Kaya lang pala kasi magkakilala si Mom at Mr. Prodigious ay dahil kay Dad, siya pala ang friend ni Mr. Prodigious tas napakilala niya lang kay Mommy noon. Nakwento niya lang kasi sa akin last week nung nandito siya. Siya pala yung nakiusap para hindi makarating kay Mommy na nasa Cuthbert ako." Nakangiting sinabi ni Clifford, so all this time akala niya ay walang pakialam si Inspector sa kanya pero siya naman pala ang gumawa nang paraan para hindi siya nabisto ng Mommy niya.

"Cliff sa palagay ko magkakilala din si Daddy at ang Dad mo." Sabi ni Kenna kay Clifford.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!