Chapter 46: I'm Runa

2.1K 58 4

I'm Runa

Clifford's POV

At the end nag decide ang lahat na mag almusal muna bago pumunta sa tabing dagat, nakita kasi nila yung luto ni Manang, at ang kulit talaga si Sir Blair kanina siya ang nangunguna sa pagyaya sa lahat mag swimming, ngayon naman nangunguna sa pagkain. Hyper kahit na halos walang tulog dahil sa palitan nila sa pag dadrive ng rv.

Pagkatapos kumain nagmadali nang lumabas si Sir Blair na kanina pa excited, isinama niya si Ms. Laura na nagrereklamo dahil hindi pa daw bumababa yung kinain niya at Dwayne na wala ng nagawa kundi sumama nalang dahil naunahan na siya nila Amber kay Chloe. Nakakatawa talaga sila.

Yung tatlong babae naman ay umakyat sa kwarto para daw magpalit ng pang swimming. Ano kayang isusuot nila? Hahahaha

Naiwan kaming tatlo nila Wesley at Craig sa lamesa, hindi ko na sinayang ang pagkakataon para magpasalamat. "Gusto ko lang magpasalamat dahil kahit na parang g*go ako nung mga nakakaraan naisipan niyo paring alamin kung anong nangyari sa akin, sa tingin ko kung hindi niyo sinubukang alamin ay hindi parin kami okay ni Dad."

"Tsss. Ang arte mo." Kunwaring sabi ni Craig pero nagsalita uli. "Pero masaya ako na nagkaayos na kayo."

"Salamat." Ang tanging nasabi ko, nakakabakla naman kung magdadrama kami.

"Masaya rin ako na nagkaintindihan na kayo nila Inspector, pero sa tingin ko hindi tayo dapat maging panatag sa mga nangyayari, pero tsaka na natin pag usapan pag natapos na tong bakasyon, kailangan din natin magrelax." Tama si Wesley hindi pa namin alam kung anong pakay ni Ahriman sa history ng pamilya ko pero dahil bakasyon nga mas mabuti nga sigurong ipahinga muna namin ang mga isip namin.

Hindi ko maiwasang hindi magbiro dahil sa sinabi ni Wesley. "Kahit pala ikaw Wes nag iisip din magrelax haha." Nagkatawanan nalang kami sa ideya ko. Gusto ko pa sanang dugtungan na kung maaari ay wag muna silang mainit na dalawa sa isa't isa dahil kay Kenna, pero hindi ko na itinuloy dahil baka imbes na mapabuti ay mapasama pa ang biro ko.

"Haha sayang Chloe akala siguro ni Dwayne makikita ka niya ng naka two piece." Napalingon kaming tatlo sa mga girls na pababa na ng hagdan. Ang ingay kasi ni Amber.

Aba naka swimsuit si Kenna at Amber parehas naka twopiece na kulay itim pero okay naman dahil may nakapatong na parang net, hindi ko nga lang alam ang tawag, si Chloe naman naka tshirt at short lang, hindi pa yata siya pwede magswimming dahil sa opera niya malapit sa dibdib.

Narinig ko yung kunwaring pag ubo ni Craig kaya nalipat ang atensyon ng tatlo sa amin.

Tinignan ko si Wesley. Haha bato ba siya bakit ganun wala paring reaksyon. Dude yung gusto mong babae naka two piece sa harapan mo. Gusto kong sabibin sa kanya pero baka si Craig naman ang sumapak sa akin.

"Andyan pala kayo tara swimming na tayo." Nakangiting paanyaya ni Chloe. Nag iba na yung aura niya, mas naging masiyahin na siya, the Dwayne effect.

"Bakit sila niyaya mo ako hindi?" Biglang sumulpot si Dwayne ang bilis makatunog porke't nakababa na si Chloe.

"Ikaw talaga. Nauna kana kaya paano kita yayayain." Malambing na sinabi ni Chloe kay Dwayne na nagtatampo tampuhan. Sila naba?

Nakita ko na may binulong si Dwayne kay Chloe, tumango naman siya. Maya maya lang lumapit na si Dwayne at hinila palabas si Craig at Wesley. Si Chloe naman ay ganun din, isinama niya palabas si Kenna.

Sabi na nga ba may pinaplano si Dwayne, pero pasasalamatan ko siya pagkatapos.

Kaya ngayon naiwan kami ni Amber, siya na nakatayo sa may sala at ako na nandito sa may kusina. Magkalapit lang kami dahil hindi naman kalakihan tong ancestral house nila Dad.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!