Chapter 2: Feather

5.8K 210 14

Feather

Wesley's POV

Hindi ako nagpahalata sa babaeng kasama ko na alam ko na ang nangyayari. Gusto ko munang alamin kung anong pakay niya sakin at ng mga kasabwat niya, dahil sigurado namang hindi niya magagawa mag isa ang mga ito.

"Bakit parang kabisado mo tong building? At sya nga pala hindi mo pala nasagot ang tanong ko kanina kung paano ka nakarating dito."

"Huh ako? Ahh hehe kaya nga nakasunod ako sayo hindi ko kabisado dito." Napakamot siya sa ulo niya.

Nakita ko ang pag galaw ng mata nya na para bang nag iisip ng idadahilan habang nakahawak ang mga daliri niya sa labi. Nagsisinungaling siya. Napailing nalang ako.

"Naglalakad kasi ako habang nag iisip isip. Hindi ko na namalayan na nakapasok na  pala ako dito tapos may humila sa akin nawalan na ako ng malay." Dagdag niya pa sa kasinungalingan niya.

"Bakit parang hindi ka natatakot? Hindi mo ba naisip na baka ako yung humila at nagdala sayo dito." Sinubukan ko siyang sindakin pero walang epekto dahil alam naman niya kung ano ang totoo.

Tinapik niya ang balikat ko at nagsalita. "Ikaw talaga palabiro ka pala haha. Alam ko na kakalipat mo pa lang dito tsaka bat ako matatakot sa anak ng sikat na detective."

Napangisi ako. Sa bibig niya na mismo nanggaling ang mga gusto kong malaman.

Nagpatuloy kaming maglakad, sinundan ko lang siya dahil gusto kong malaman kung hanggang saan aabot ang paglalaro nila.

May naaamoy akong dugo pero hindi ako sigurado dahil may ibang amoy na humahalo dito parang pintura.

Imbes na pababa ay nakarating kami sa pinakataas na parte ng building nararamdaman ko na parang malagkit ang sahig na nilalakaran namin.

"Sundan mo ako wag kang hihiwalay sa akin." Utos ko sa babaing kasama ko.

Sinundan ko ang pinanggagalingan ng malagkit na likido sa sahig ng gusali.

May naaninag akong liwanag kaya lumapit ako dito. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang maliit na kandila na mukhang kanina pa nakasindi.

Napapikit ako at sinubukan iadjust ang paningin ko sa liwanag dahil kanina pa ako nasa dilim. Nang dumilat ako ay hindi na ako nagtaka sa nakita ko, nagkalat na dugo at katawan ng patay na tao. Nagpapanggap.

"Aaahhhhhh!!!!" Sigaw ni Kenna.

Napangiti ako bago magsalita. "Sino kabang talaga at anong kailangan mo sa akin?"

"Ako ba ang tinutukoy mo? Anong ibig mong sabihin?" Inosente niyang tanong.

"Alam kong hindi sadya na nandito ka rin at kasama ko."

"Bakit pinagbibintangan mo ako? Sige nga anong pruweba mo."

Nakita nang gilid ng mata ko na may gumalaw sa may likod nang malaking tokador.

"Una sa lahat paano ka makakapasok dito kung nakalock ang daanan sa buong gusali? Hindi ako naniniwala na umabot ka dito sa paglalakad nang dahil sa nag iisip ka lang. Kanina ng magising ako hindi naman ako gumawa ng tunog pero bakit parang alam na alam mo na may tao sa buiding bukod sayo?"

"Nakita ko yung anino mo kaya sinitsitan kita." Alibi niya.

"Hindi mo ba naisip yung possibility na ako yung humila at nagkulong sayo dito? Hindi ka natakot na kunin yung pansin ko?"

"Dahil hindi naman ikaw yung humila sa akin bago ako mawalan ng malay." Paliwanag pa niya.

"Oh come on Miss paano mo makikita kung nawalan kana ng malay? Ano hinila ka niya galing sa harap mo? Nang lapitan kita at tanggalin ko yung tali sa kamay mo ay bigla kang tumayo. Kung gusto ka talagang ikulong dito nang sinasabi mong humila sayo dapat ay tinali niya rin ang katawan at paa mo dahil anytime ay maaari kang tumakas at makatakbo dahil kamay mo lang ang nakatali at naka upo kalang sa upuan. Nakaupo ka lang doon at inaantay mo akong magising."

"Paano mo ipapaliwanag yung bangkay sa taas?" Lumapit siya sa akin at bumulong. "Sa palagay mo ay kaya kong pumatay?"

Hinapit ko siya sa baywang at inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. "Hindi siya patay."

Hinila niya ang sarili niya palayo sakin. "Hindi patay? Nagpapatawa kaba? Hindi mo ba nakita na nagkalat yung dugo at lamang loob doon."

"Bakit sa kanya ba yon? Hindi ko nga nakita ang katawan niya kung may hiwa dahil nakadapa siya. At hindi ko alam kung ilang manok ang pinatay niyo para lang sa laro niyo. Pasensya na pero sa palagay ko ay may mga naiwan kayong balahibo. Sa pagkakaalam ko walang manukan ang academy kaya saan mo kaya nakuha yan." Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang ilang kumapit na balahibo sa may parteng balikat ng uniform niya.

"Ikaw na ang nagsabi anak ako nang sikat na detective sa palagay ko ay sapat na ang nineteen years ko dito sa lupa para makasaksi ng mga crime scene na pinupuntahan ng ama ko. Alam ko at kabisado ko ang itsura ng body organs ng tao Miss Kenna."

Nakataas lang ang kilay niya at mukhang sasabog na sa inis dahil nasayang ang paghihirap nila na pag laruan ako.

"Umpisa palang ay alam kong may kakaiba na simula sa babaing nagsabing ililibot niya ako dito sa academy.  Imposibleng inutusan siya ng principal.  Sikreto ang paglipat ko dito kaya hindi maaaring nag pautos lang ang principal para salubungin ako. Sunod ay ikaw at ang pagkawala mo sinadya mong sumigaw para hanapin kita at makita ko yung nagpapanggap na patay. At yang amoy mo sa palagay ko ay meron kang kasamahan na nangdidiri sa dugo kaya napilitan kayong pahiran nalang siya ng pintura pero nalagyan ang kamay mo kaya napilitan ka naman na gumamit ng thinner para burahin yang nalagay na pintura sa kamay mo. Hindi ko alam saan niyo nakuha ng impormasyon na lilipat ako dito at nag aksaya pa kayo nang panahon."

Nilipat ko ang tingin ko sa mga taong nakahiga sa sahig at isa isa nang nag tayuan.

"Ikaw lumabas kana dyan nakita ko na gumalaw ka kanina." Baling ko sa taong nagtatago sa likod ng tokador. Sa lalaking nagpanggap na patay sa second floor.

"Hay sayang ang effort! Kainis yang balahibo nang manok. Naubos ang allowance ko para sa pagbili ng mga manok na yan at tayo pa ang nagkatay nakakadiri talaga. Sana ay nakipag date nalang ako dun sa anak nung sikat na model." Reklamo nung isang lalaki.

"Shut up Dwayne! Tignan mo ako pre dahil sa pustahan na yan, nakakadiri napilitan akong humiga katabi nung mga lamang loob nung manok at magpahid ng dugo." Nanginginig namang sinabi nung nagtatago sa may likod ng cabinet dahil mukhang ilang minuto ay mag kocollapse na sa pang didiri.

"Guys! Please! HUSH Clifford!!" Saway ng babae na tuwid at hanggang balikat ang haba ng buhok.

"You hush Amber!"

Nagtatalo talo na sila. Naiinis na ako dahil sinasayang nila ang oras ko.

"Ngayon sabihin niyo na what the hell you want from me people?"

****************

Old building sa may Cuthbert Academy >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!