Chapter 44: Sembreak

2.3K 104 12

Sembreak

Dwayne's POV

"Hoy! tulala ka na naman dyan!" Sinubukan kong gulatin si Amber.

Bakit ba twing dadalaw ako dito sa headquarters ay tulala tong si Amber? Iniisip kaya niya si Clifford at yung mga nangyari.

"Pwede ba? Leave me alone." Tinarayan na naman niya ako may gusto lang naman akong sabihin sa kanya.

"May sasabihin lang naman ako." Pinaringgan ko siya pero wala parin reaksiyon.

"Okay sige hindi ko na sasabihin sayo." Nagkunwaring kibit balikat nalang ako at nagpanggap na lalabas na ng headquarters.

Humarap siya sa akin. "Hay nako ano ba kasi yun?" Napangiti ako, sabi na nga ba hindi rin siya makakatiis hindi alamin kung ano yon.

"Nagplan kase akong mag out of town. Sembreak na, diba sabi mo nung nakaraan gusto mong magpunta sa beach? Ayan na nagplan na ako para naman sumaya ka nang maayos na yang mukha mo. Ilang linggo ka nang nakabusangot daig mo pa si Ms. Roswell." Naisip ko siyang ikumpara kay Ms. Roswell na limang taon ko nang nakikita, pero never kong nakitang ngumiti. Laging naka simangot.

"Okay sige sa tingin ko kailangan natin ng bakasyon." Ang bilis magbago ng isip niya.

"Kasama ba si Chloe?" Nagulat ako dahil hindi niya pinatulan yung pang aasar ko ngayon, nakakapagtaka. Inisip ko nalang na dahil siguro nag plano ako ng bakasyon kaya hindi siya napikon, pero hindi talaga ako sanay.

"Yes, syempre lahat tayo kasama. Ooopps my bad wala pala si Clifford hahaha." Sinubukan ko muli siyang asarin pero mukhang hindi parin tumalab.

"Ewan ko sayo Dwayne." Binato niya lang ako ng throw pillow at tinanong ng sunod sunod. "Saan ba? Kailan tayo aalis? Travel by land or by plane?" Wala daw siya sa mood pero ang daming tanong.

"By land, mas masaya kasi kung may roadtrip, magiging comfortable naman lahat since yung rv ang dadalhin natin, palitan nalang kaming mga boys sa pag dadrive." Mabilisan kong sinabi sa kanya ang plano bago pa siya makasingit at magreklamo." By the way mag prepare kana mamayang seven p.m tayo aalis para nandoon na tayo ng umaga. Susunduin ko lang si Chloe sa hospital para makapag basta din siya. May gusto daw siyang kunin sa room niya, sa dorm niyo and then dadaanan kita sa kwarto mo."

"Wow? Really Dwayne? Really? Baka nakakalimutan mo magkatabi lang kami ng room ni Chloe." Nakataas kilay niyang sinabi.

Tinawanan ko nalang siya at umalis na, tsaka ko tinawagan si Kenna para balikan siya, siguradong hindi pa yun kikilos.

Amber's POV

Wala akong energy para makipag asaran kay Dwayne, but I can't believe sa way niya nang pag sasalita para bang napakabuti niyang bestfriend kung makapag sabing dadaanan niya rin ako, parang napaka responsableng tao, duh! Magkatabi lang kaya kami ng room ni Chloe. "Wow? Really Dwayne? Really? Baka nakakalimutan mo magkatabi lang kami ng room ni Chloe."

Pagkasabi ko nito ay tinawanan niya lang ako at tumalikod na.

Nang makaalis na talaga siya ay napangiti nalang ako. Naalala niya pala na gusto ko sanang maka pag bakasyon. Iniisip ko kasi na baka after ng sembreak may mangyari na naman na hindi maganda kaya gusto ko na magkapag bonding ang lahat.

Obligado tuloy akong magpasalamat sa kanya, wala na kasi akong gana mag plano kaya hindi na ako nagbalak na magyaya sa kanila pero nagawan na pala niya ng paraan.

Alam ko naman na hindi lang yon ang dahilan niya, maaaring iniisip niya na malungkot ako dahil wala si Clifford, hindi kasi ako mapakali, hindi ko alam kung okay kami dahil sa accusation ko sa kanya. Tsaka nakaka miss din yung maingay niyang tawa dito sa headquarters kapag binabara namin siya dahil sa ka cornyhan niya. And lalabas na pala si Chloe sa hospital, for sure na gusto niyang makapagbakasyon to. Sila na kaya? Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!