Chapter 32: I can't do this anymore

2.4K 66 3

I can't do this anymore

Kenna's POV

Nauwi sa mas masinsinang usapan ang tanong ni Ms. Laura kung sinong payag na tumuloy sa laro. Ako ang unang sumang ayon, sa totoo lang naman kasi ipagpatuloy namin o hindi feeling ko ay may hindi magandang mangyayari. Mas mabuti nang harapin nalang namin, kaysa tumunganga kami at pabayaan na umikot ang laro ni Ahriman. Hanggang ngayon kasi hindi namin siya maunahan sa cd, makuha man namin ay burado na ang laman nito. Alam na alam niya ang kinikilos ng grupo.

At saka obligado rin ako, ako ang nagpasimula ng MCC hindi ko lang akalain na darating kami sa panahon na hindi nalang basta simple ang kaso na hahawakan namin. Buhay na ang nakasalalay, dumating na rin sa punto na involved na yung mga alaala na gusto nalang namin kalimutan, para bang sinasadyang ungkatin ng bawat kaso na naganap ang nakaraan.

Isa isa kaming nagsabi ng kwento nang buhay, nang magsalita si Craig wala akong makitang emosyon sa kanya, kilala ko siya magaling siya sa ganitong bagay. Kahit hindi niya na kaya ay hindi niya aaminin, masyadong mapride. Kaya ko rin siguro nagustuhan si Wesley dahil para siyang si Craig ang pagkakaiba lang ang paghanga ko kay Craig ay bilang kapatid lang, samantalang yung kay Wesley hindi ko pa alam, basta gusto ko siya pero siguradong hindi bilang kapatid.

"Ikaw Wesley?" Nag umpisa ng lumipat ang tanong kay Wesley.

"Dali Wesley excited na si Kenna." Hindi na nga ako gumalaw o nag react pero huling huli ni Amber ang nasa isip ko.

Napanguso nalang ako sa sinabi ni Amber kaya sa ibang direksyon nalang ako tumingin, ngunit kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Wesley ngayon. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti, ngiti na ngayon ko lang nakita. Iba kumpara sa ngiti niya nung naabutan ko sila ni Amber na nagtatawanan. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

"Ano ngingitian mo nalang si Kenna maghapon? Naka droga kaba Philbert at marunong ka ng ngumiti?" Tukso ni Amber sa kanya. Tama si Amber bakit niya ako nginitian.

"HUSH!!" Sinita na naman ni Dwayne si Amber, buti nalang hindi na sumagot si Amber, kung hindi ay hahaba na naman ang bangayan nila.

"As you all know, my dad is Efraim Philbert. Detective ng big time cases dito sa bansa at ibang bansa. And my mom....namatay siya noon ng may nahawakan na malaking kaso si Dad. Pinag bantaan na siya na wag nang ituloy hawakan ang kaso pero tinuloy niya parin. Bilang kabayaran sa nangyari pinatay nila ang nanay ko." Nabigla ako sa sinabi niya, ibig sabihin patay narin ang mommy niya. Kawawa rin pala si Wesley, para rin siyang si Craig. Hindi mo makikitaan ng emosyon.

"You mean?..." Pinapaulit ni Amber ang sinabi ni Wesley.

"Dinukot ang mommy ko at nangakong ibabalik lang siya kung igi-give up ni Dad ang kaso na iniimbestigahan niya, pero dahil itinuloy niya, ang mommy ko ang naging kabayaran." Sagot niyang muli sa tanong ni Amber.

Kaya pala parang ayaw niyang mapalapit sa kahit na kanino, iniisip niyang banta sa buhay ng iba ang madawit sa kagaya ng pamilya nila. Kaya pala hindi siya sang ayon kapag nababanggit na swerte siya dahil anak siya ni Detective Philbert. Hindi man aminin ni Wesley, nababahala rin siya na humantong siya kagaya ng parents niya. Nakokonsesya ako sana ay hindi nalang namin siya pinilit na sumali sa grupo. Sana hindi ko nalang sila lahat iningganyong sumali sa MCC.

Inilihis na ni Wesley yung usapan, napunta na kay Sir Blair. Kaya pala hilig niya ang Forensic Science, galing siya sa Florida kung saan maraming Colleges and Universities na nag ooffer ng forensic courses. Idagdag pa na trabaho din pala ng buong pamilya niya.

"Parang ikaw lang pinaka normal sa atin Sir Blair." Sang ayon ako sa sinabi ni Dwayne, kaya siguro lagi lang siyang masiyahin dahil nang galing siya sa hindi complicated na pamilya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!