Chapter 12: Fountain

3.2K 111 0

Fountain

Chloe's POV

Magkakasama kami ngayon nila Kenna at Amber ng masalubong namin si Sophia.

"Hi Girls saan kayo pupunta?" Masaya niyang tanong. Kakaiba ang saya niya ngayon.

"Hinahanap namin saan yung hotspring niyo dito para naman makapag relax." Sagot ni Amber.

"Ah ganoon ba? Tara samahan ko na kayo." Umangkla siya sa amin ni Kenna at hinila kami palayo.

"Kala ko ba doon yon?" Turo ni Kenna sa dapat na pupuntahan namin.

"Hindi doon yung hotspring na para sa mga bisita. Yung tinuturo mo naman na lugar ay si Daddy lang ang pwede gumamit. Si Mommy lang ang nagbabasta pag maliligo si Dad at magbababad sa mini hot tub." Paliwanag ni Sophia sa routine ng parents niya kahit hindi naman kami nag tatanong.

"Teka Sophia yung mommy mo yun diba at si.....?" Hindi maituloy ni Amber ang sasabihin niya, hindi naman kasi yon ang daddy niya.

Nagpakilala na ang parents niya sa lahat kanina kaya alam namin na hindi siya yon.

"Si Robert Davis, kanang kamay ni Dad sa lahat ng ari arian namin dito sa Palace." Malamig na dugtong ni Sophia sa sinabi ni Amber.

Bumitaw siya pagkakaangkla samin at sinabing mauna na kami. Susunod nalang daw siya.

Lumapit siya sa dalawang mukhang seryosong nag uusap.

Naiwan na akong nakatayo dito, para kasing nagkusa ang isip ko na tandaan ang bawat anggulo ng pag uusap nila. Si Sophia at nang dalawang nilapitan niya. May kakaiba, di ko maipaliwanag.

"Chloe tara na." Niyaya ako ni Amber.

"Alam niyo hindi ko masyadong gusto si Sophia may kakaiba sa kanya. Bigla biglang nag iiba yung mood." Prangkang sinabi ni Amber.

"Ssshhh Amber wag ka nga, baka may makarinig sayo." Saway ko sa kanya.

"Hindi lang naman ako ang nagsabi. Madami sa school ang nakakapuna tsaka gusto niya lahat ng meron tayo ay meron siya." Hindi tumigil si Amber sa pagpuna sa ugali ni Sophia.

"Baka naman nagseselos kalang kasi kanina pa sila nagkukulitan ni Clifford?" Hula ni Kenna kung bakit ganito ang inaasta ni Amber.

"No way! Eeeww yuck! Kanya na si Clifford." Tila nang didiri niyang sagot sa sinabi ni Kenna.

Natawa nalang kami ni Kenna at nag patuloy mag lakad papunta sa hotspring kung nasaan ang iba pa.

Wesley's POV

Habang naglalakad ako nakita ko na nag uusap si Mrs. Fujiwara at isang lalaki.

Napahinto ako sa paglalakad dahil hindi ko naman maiwasan na hindi sila marinig, kaya minabuti ko nalang magtago sa may pader malapit kung saan sila nakatayo.

"Oh God Robert matatapos din to trust me." Sabi ni Mrs. Fujiwara sa tinawag niyang Robert.

"Sana nga Tessa. Hindi ko na kayang makita ang sitwasyon mo." Sagot naman ng lalaki sa ginang.

Masyado ba silang malapit para tawagin lang siyang Tessa? Sa pagkakaalam ko kasi ay Teresa ang tunay na pangalan ni Mrs. Fujiwara.

Narinig ko na may paparating na ingay. Hindi nga ako nagkamali, sina Kenna at ang iba pa kasama si Sophia. Nakita ko ang pagbitaw ng huli kay Chloe at mukhang nagpaalam para lumapit dito. Umatras pa ako dahil baka makita niya ko.

"Pwede ba wag kayo dito mag usap nakikita kayo ng mga kaklase ko. Hindi magandang tignan lalo kana Ma. Huwag niyo akong ipahiya." Nag iba ang Sophia na nakikita ko ngayon, parang hindi siya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!