Chapter 16: Death threat

3.3K 109 3

Death threat

Clifford's POV

Isa't kalahating linggo na ang nakakaraan nang masolve namin ang kaso ng pamilya Fujiwara. Ang mga sumunod na kaso na nahawakan namin ay wala ng kakwenta kwenta kagaya ng magnanakaw ng pagkain sa cafeteria, two timer na boyfriend at kung ano ano pa na walang koneksyon kay Ahriman, sa laro at sa black letter.

"Hay ang boring naman isa't kalahating linggo na wala paring bagong kaso." Humihikab pa ako habang nagrereklamo sa mga kasamahan ko.

Wala man lang nakinig sa mga kasamahan ko, si Craig at Kenna may sariling mundo, nalilito na ako kala ko ba si Wesley ang gusto niya. Si Chloe nakayuko lang sa isang tabi, si Wesley naman wala yatang naririnig, di man lang lumingon.

"Eh anong gusto mo may kaso nga pero may namamatay naman?" Sagot ni Amber sa sinabi ko.

"Bakit ang init ng dugo mo sakin? Hindi mo gayahin si Kenna at Chloe ang babait." Pag patol ko sa sinabi ni Amber.

"Talagang mabait sayo yung dalawa dahil hindi sila interesado sayo hahaha!" Sabat ni Dwayne sa usapan.

Kilalang kilala niya talaga si Amber, kung hindi ko lang alam na magbestfriend sila noon pa inisip ko na may tinatago silang relasyon.

"Ibig sabihin interesado ka sakin Amber?" Ginalaw galaw ko ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya, konti nalang ay sasabog nanaman ang isang to sa inis. Pulang pula na ang mukha niya. Kinikilig siguro hahaha.

"Talaga namang— aray!" Sigaw ni Dwayne dahil binato siya ng libro ni Amber. Hindi na niya naituloy ang dapat na sasabihin niya.

"Yan ang napapala mo." Inirapan siya ni Amber.

Tok tok tok......

Napatigil kami sa pag iingay dahil sa katok na nagmumula sa pinto ng headquarters.

"Mukhang may bisita tayo. Oh guys behave baka sabihin nila unprofessional tayo." Bilin ni Ms. Laura sa aming lahat.

"Nagsalita ang professional." Asar ni Sir Blair kay Ms. Laura.

"Tumigil ka nerd at baka palabasin kita dito kasama niyang mga gamit mo." Patol niya kay Sir Blair.

Nagtawanan nalang kami dahil napakaisip bata din nilang dalawa.

Binuksan ni Ms. Laura ang pinto at tumambad ang isang napaka cute na babae.

Narinig ko ang ubu ubuhan ni Dwayne na ngayon ay nakatayo na sa harap nito. Ang bilis niya talaga.

"Anong maipaglilingkod namin sayo uhhm?" Pumaraan na naman siya para malaman ang pangalan nito.

"I'm Brittany Hughes, may irereport lang sana ako. May nakapagsabi kasi na kayo daw ang makakatulong sakin." Sabi ng nagpakilalang Brittany kay Dwayne.

"Halika maupo ka muna." Paanyaya ni Ms. Laura sa kanya.

Nang magkaharap harap na kaming lahat nag umpisa na siyang magkwento.

"One month ago lang po ng mag transfer ako dito from London. Hindi naman po sa nagyayabang ako pero marami po kaagad nanligaw sa akin na iba't ibang year level. Kaya lang, pagkatapos lang nang dalawang linggo sunod sunod na po ang natatanggap kong death threat. I think galing lang ang sulat sa iisang tao, pakiramdam ko rin may sumusunod sa akin palagi. Help me po, natatakot talaga ako." Maluha luha niyang kwento habang ipinapakita samin ang mahigit sa sampu na death threat.

Kung dalawang linggo na siyang nakakatanggap ibig sabihin araw araw siyang may death threat. Ang sipag naman pala ng suspect gumawa ng sulat. Araw - araw meron.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!