Chapter 41: Now or never

2.5K 59 8

Now or never

Craig's POV

Maagang nagsidatingan ang lahat dito sa headquarters bukod kay Amber na puyat daw gaya ng sabi ni Wesley dahil madaling araw na sila nakabalik. Kung ganoon, umalis pa sila kagabi ng makita ko siya sa dorm.

Dinetalye niya ang mga nalaman niya.

"Siguro lahat naman tayo dito aware na may kinalaman parin sa laro ang nangyayari. Una yung pagpapakamatay ni Zsarina, hindi man siya kasali sa laro ginawa silang kasangkapan ni Ahriman." Wika niya gamit ang dismayadong tono.

"What do you mean Wesley? Diba nagpakita na nga sa atin si Ahriaman sa unang pagkakataon? Ibig bang sabihin ginamit niya lang ang kahinaan ni Zsarina para magpakita satin?" Tama si Ms. Laura, ito ang unang pagkakataon na nakita namin siya kahit na nakamaskra pa siya, sang ayon din ako kay Wesley masyadong mababaw na dahilan, kung gusto niya kami makita ay hindi na siya dapat nang damay ng mga inosente. Pwede naman niyang videohan ang sarili niya at takutin kami pero hindi ganon ang nangyari.


Bumukas yung pinto kaya napatingin kaming lahat. "Aba mukhang seryoso yung pinag uusapan niyo huh?" Dumating si Dwayne na walang kaide ideya sa mga naganap.

"Ssshh...sinasabi ni Wesley yung mga nalaman niya." Saway ni Ms. Laura sa kanya.

"Anong nangyari?" Nakakunot ang noo niya, wala palang nagbalita sa kanila.

"May nagpakamatay kahapon, nagbigti. Nagpakita na rin si Ahriman pero hindi niya tuluyang pinakita yung mukha niya. Nang inalam namin ang lahat tungkol sa biktima, lumalabas na ginamit lang siya ni Ahriman para sa totoong laro." Pagpapaliwanag ko kay Dwayne tungkol sa mga naganap.

Nakakunoot ang noo niya sa mga sinabi ko bago siya magsalita. " Sa palagay ko may kinalaman to kay Clifford." Sabi niya na parang alam niya ang nangyari.

"Tama ka, tungkol nga to sa kanya." Sumang ayon si Wesley at saka itinuloy ikwento ang mga nalaman niya.

"Nung una palang may napansin na akong kakaiba. Mag iisang sem ko palang kilala si Clifford pero alam ko na mahalaga tong grupo sa kanya, kaya kataka taka na bigla siyang aalis sa mismong oras kung saan nagsasabi tayo nang kanya kanyang buhay. Parang meron siyang ayaw ipaalam sa atin, at kung ganoon nalang sa kanya kabilis na magdesisyon iwanan tong grupo na sobrang importante sa kanya ibig sabihin lang may dahilan siya na mas mahalaga pa kaysa sa grupo." Kung ganoon napansin niya rin pala na malaki ang chance na mabigat ang dahilan ni Cliff.

"Ano?" Tanong ni Sir Blair, tinanong niya kung ano pa nag bang mas mahalaga kay Clifford bukos sa grupo.

"Pamilya." Nagkatinginan kami ni Dwayne dahil nagkasabay kaming magsalita.


"Ano Wesley? Tama ba sila?" Nag aantay ng sagot si Ms. Laura.


"Oo tama sila, may ayaw ipaalam si Clifford sa atin. Aaminin ko na nung una ay nagduda ako na maaaring si Cliff si Ahriman matapos nating alamin kahapon kung anong totoong kinamatay ni Zsarina, at gaya nga nang nakita natin lahat kahapon, suicide talaga. Kaya nga lang......malaking parte ng desisyon niyang magpakamatay ay dahil tinakot at inudyukan siya ni Ahriman, pero bakit diba?" Pabitin niyang sinabi.

"Maaaring may gusto siyang iparating sa atin, o maaaring gusto niyang pagbintangan natin si Clifford." Tinuloy ko ang sasabihin niya.

"Oo Craig, ayun na nga ang nangyari. Kahina hinala ang biglang pag ayaw ni Clifford sa grupo. Kaya nakiusap ako kay Amber na siya mismo ang umalam ng lahat tungkol kay Cliff." Pagtatapat niya sa amin.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!