Chapter 4: DNA Sequencer

5.5K 157 0

DNA Sequencer

Wesley's POV

Paglabas ko ng dorm natanaw ko na may mga pulis at estudyante sa likod nitong building kaya lumapit ako.

"Boss Garreth estimated time of death seven hours and thirty minutes. Cause of death suicide, tumalon galing sa rooftop. Pero may nakuhang mga gamot sa bulsa niya at aalamin na po namin kung anong klase. Maaaring may kinalaman yung gamot sa pagpapakamatay. " Sabi ng mas batang pulis.

"Good job Andrew." Tingin ko siya ang Senior Inspector ng mga pulis dahil narin sa nakakabit na badge sa gilid ng uniporme niya.

"Duda kami sa nangyari, ilang araw ang nakakaraan may kakaiba na talaga dyan kay Ralph Kiefer." Sabi ng lalaki na nakatayo sa gilid ko. Natatandaan ko siya. Isa siya sa myembro ng MCC.

"Anong kinalaman ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ka namin sa grupo sana ay ikonsidera mo ang alok namin." Akala ko ay titigilan na nila ako pero hindi pala.

"Ano naman ang mapapala ko sa pagsalita sa inyo?" Napatingin ako sa tumunog niyang cellphone.

Sinagot niya ito ngunit sa akin parin nakatingin ang mata niya habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya.

Nagsalita siyang muli nang matapos siyang makipag usap. "Nakatanggap ka ng black letter kay Ahriman. Binalaan ka na niya kagabi tungkol sa magpapakamatay, pero hindi ka nakinig. Hindi ka nagsabi sa amin."

"Sino si Ahriman? Paano mo nalaman ang tungkol sa sulat? Sa tingin ko ay wala na akong kinalaman tungkol dito." Iritado kong sagot sa kanya.

"Siya ang game master. Nagkakamali ka. Kasali kana dito dahil ikaw ang nakatanggap ng sulat niya. Tulungan mo kaming lutasin ang kasong to kahit ngayon lang. Subukan mo ang kakayahan namin, kapag hindi kami pumasa sayo ay pababayaan kana ng grupo. Hindi kana namin kukulitin." Hamon niya sa akin.

Sabay na kaming naglakad sa unang subject dahil sabi niya ay magkaklase kami, at inutusan siya ni Sir Blair para sunduin ako.

Iba ang curriculum sa paaralan na to ikaw ang bahalang mamili ng gusto mong itake na subject. At sa posisyon ko, si Dad ang namili para sa akin.

Pagpasok sa classroom ay nagulat ako ng bahagya dahil lahat ng kaklase ko ay member ng MCC.

"Okay class nandito na si Wesley tutal kilala na natin siya lahat bakit hindi nalang tayo ang magpakilala isa-isa sa kanya." Sabi ni Ms. Laura, homeroom teacher namin. Ayon na rin sa kanya kagabi.

"Pre dun ka sa tabi ni Craig at Kenna bakante dun." Turo sa akin ni Clifford. Pinakilala niya kanina ang sarili niya sa akin.

Umupo ako sa tabi ni Kenna na ngiting ngiti sa harap ko at Craig, na masama ang tingin sa akin.

Isa isa na silang tumayo at nagpakilala.

"Clifford Ebenezer, 19, taga awat sa grupo pag nagkakainitan na haha." Sabay kindat niya sa susunod na magsasalita.

"Amber Orzora, 19, taga kuha ng information through internet."

"Geezz you are a pretty geak Amber haha. I'm Dwayne Connor, 19, same as Amber I collect datas but not from the computer or internet. I get information personally.

"Ahh hi, sorry sa nangyari kahapon at nangyari kanina dahil inutusan nila akong pumasok sa kwarto mo. By the way I'm Chloe, 18, hindi ko alam anong natutulong ko sa grupo pero myembro din ako ng MCC."

Naramdaman ko na tumayo na ang dalawang katabi ko at nagpunta sa harap.

"I'm Hermione Kenna Malcolm, 18, all around ako sa grupo. Mahilig akong mag spy."

"And you always end up hurting yourself Kenna." Tugon nung Craig sa sinabi ni Kenna.

"I'm Craig Mackenzie, 20, I investigate a lot." Hindi ko alam kung anong problema ni Craig sa akin dahil nakikipag sukatan siya ng tingin ngayon.

"Okay guys cool lang. Hindi to paligsahan. Nandito tayo para lutasin yung kaso at Wesley pasensya na kung pag oras ng homeroom ang ginagawa namin ay pag usapan nang tungkol sa kaso." Paliwanag niya sa set up nang homeroom.

"That's fine tutulong ako sa paglutas tutal ay ginalaw niyo na ang sulat na para sakin. But it doesn't mean the sasali ako sa grupo niyo at isa pa may napag usapan na kami ni Clifford." Napangiti sila dahil sa sinabi ko.

"This past few days ang ginagawa namin ay sundan si Ralph Kiefer at ang kaibigan niyang si Chuck Lars. Napansin ko rin na laging balisa si Ralph." Biglang nag umpisa si Clifford banggitin ang tungkol sa nagpakamatay.

"And according to my girls na kaklase ni Ralph may nag pakamatay noon dahil sa kanya. Bullying daw. Pero hindi na nabuksan ang kaso dahil mas maimpluwensya ang pamilya niya." Sabat naman ni Dwayne.

"Uhhmm guys can you come here I got some information. Naaccess ko yung record four years ago." Lumapit kami at binasa ang nahanap ni Amber na record.

"Namatay si Adam Ross four years ago. He was bullied by Raplh Kiefer dahil sa malaking peklat sa mukha niya and it was a suicide he jump on a building and guess what." Bitin na sinabi ni Amber.

"Damn it Amber ano ituloy mo na wala na tayong oras baka makatakas yung suspect." Ani Dwayne sa kanya.

"Okay chill. Ralph died on the same spot where Adam found dead."

Natahimik nalang ang lahat sa sinabi ni Amber.

Kung ganoon ay hindi nga ito basta suicide pero walang ebidensya. Ang tanging meron kami ay ang bullying incident na nakabaon na sa limot.

"Sino naman yung kaibigan ni Ralph? Pwede ba natin siyang maimbitahan para matanong.

Saka Amber pwede kabang kumuha ng information nya maaari siyang maging lead dito sa kaso." Ako na ang nagsalita.

"Tungkol naman dyan nalaman ko na one year palang siya dito sa school. Bukod sa pag sama niya kay Ralph ay wala na siyang ibang pinagkakaabalahan. Pero.... pamilyar siya sa akin. Two years ago nag aral ako sa Art School sa ibang bansa. Hindi ako sigurado pero parang nakikita ko siya doon." Sabi ni Chloe sa mga nalalaman niya.

"Wag mo sabihin na hindi ka sigurado Chloe, may Hyperthymesia ka kaya alam mo sa sarili mo kung anong nakita mo. Walang paraan para makalimutan mo yon. Bakit ba lagi kang ganyan lagi mong sinasabi na hindi ka sigurado?" Galit na sinabi ni Dwayne kay Chloe.

Hindi ko alam kung anong issue ni Dwayne kay Chloe pero mali ang inasta niya, lumabas siya ng class room at ibinalibag ang pinto.

"Ayos ka lang?" Dinaluhan ni Kenna si Chloe.

"Guys tutal break naman na punta na tayo sa opisina at imbitahan na din natin si Chuck." Ani Ms. Laura.

Nandito na kami sa Cashiel building kung nasaan ang headquarters ng MCC.

Naabutan namin si Sir Blair na abala sa pag aayos ng mga kagamitan niya.

May isang bagay na nakakuha ng pansin ko mukhang makabago lang ito dahil hindi ko ito nakikita sa mga gamit ni Dad.

"This is a DNA Sequencer. You just need to put some evidence na maaring may DNA ng tao kagaya ng buhok o balat, ginagamit siya para magkumpara." Awtomatikong sinabi ni Sir Blair ng makita niyang nakatingin ako sa aparato.

May nakita akong bulak at dinampot ko ito para ipakita sa kanya.

"Paano kung halimbawa ang bulak na to ay ipinahid ko sa balat ko kaya ba madetect ng DNA Sequencer mo yung mga substance ng bulak at the same time identified kung kaninong DNA yung nandito?"

"Yes Mr. Philbert. Pwedeng pwede." Magiliw niyang sagot.

Marami pa akong nakitang mga aparato niya na wala kay Dad. Hindi na ako nag abalang itanong isa isa dahil kailangan masolve kaagad ang kaso na to sa lalong madaling panahon.

***************

Blair's DNA Sequencer >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!