Chapter 3: Mystery Clue Collector (MCC)

5.3K 166 1

Mystery Clue Collector (MCC)

Kenna's POV

Natulala ako ang galing niya. Hindi ko akalain na kaya niyang ipaliwanag ng buong buo ang lahat ng nangyari. Malinis at detalyado. Siya na talaga ang hinahanap namin para matapos na ang lahat nang nangyayari dito sa Academy.

"Ngayon sabihin niyo na what the hell you want from me people?" Gamit ang ma awtoridad niyang boses.

Natahimik kami lahat sa tanong niya nasaan naba si Ms. Laura at Sir Blair.

Clap clap clap clap.....

Napalingon kaming lahat sa tunog ng palakpak ng mga papalapit sa kinatatayuan namin.

"As expected sa anak nang isang tanyag na detective. Kanina kapa namin pinapanood at napahanga mo ako. Nakapasa ka sa pagsubok. Welcome to the group." Sabi ni Ms. Laura.

"Excuse me Miss pero walang kinalaman ang ama ko dito. At anong nakapasa? Kung ano mang grupo ang tawag niyo dito ay wala akong sinabing sasali ako. Ituro niyo sa akin ang palabas dito at tigilan niyo na ang kalokohan niyo." Matapang niyang sagot kay Ms. Laura.

"Kalokohan? Alam mo bang sinasabi mo? Hindi ka namin pinipilit sumali kung ayaw mo pero hindi to isang laro. Maraming buhay ang nakasalalay sa tinatawag mong kalokohan." Galit na si Craig hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

"Craig please stop." Nakita ko ang pag igting ng panga ni Craig. Ngayon lang siya nasita ni Ms. Laura.

"Mr. Wesley Philbert, I'm sorry for the trouble. Kung magbago ang isip mo ay bukas ang pinto namin para sayo. Nandoon lang sa Cashile building ang head quaters namin and by the way I'm Ms. Laura Montgomery, advicer ng Mystery Clue Collector. I believe all of this kids are your classmates starting tomorrow and I will be your homeroom teacher. So see you."

"Ehem ehem." Kunyaring pag ubo ni Sir Blair para kunin ang atensyon ni Wesley.

"I'm Blair Atwood, professor ako dito. I'm not sure kung may subject ka na ako ang professor. And forensic expert ako I help them sa mga investigation na ginagawa nila. I hope you consider joining this group, not tonight but maybe someday." Mahinahon na sinabi ni Sir Blair.

Tumango lang si Wesley sa kanya idol ko talaga si Sir napapakalma niya ang lahat sa atmosphere na meron siya.

Nag umpisa nang maglakad palayo si Welsey sa amin kaya sinundan ko siya.

"Kenna saan ka pupunta?" Sigaw ni Craig sa akin.

"Sasamahan ko siya sa palagay ko ay hindi niya alam ang palabas ng building." Iniwan ko na sila at sumabay maglakad sa lalaking masungit.

"What do you want? Kung kukumbinsihin mo ako ay wala kang mapapala."

"Nope! Not today. Sasamahan lang kita palabas sa palagay ko ay eto lang ang hindi mo nalaman. Ang exit ng building. Why your not so friendly? People who named Wesley make friends easily and opposite ka nun."

"And your name Kenna speaks for yourself as well. Clumsy and very irritating." Natawa nalang ako dahil lahat yata ng sasabihin ko ay may ipanglalaban siya.

Nang makalabas kami sa lumang gusali ay nakasunod parin ako sa kanya.

"Ano? Susundan mo ako hanggang sa dorm ko?" Masungit niyang sinabi sa akin.

"Ang sungit mo naman baka lang hindi mo alam kung saan."

"May mata ako para maghanap at may bibig para magtanong. So please—

"Mr. Philbert."

Nanlaki ang mata ko nasa harap na namin si Ms.Rowsell ang principal ng school nakaka takot talaga siya maganda siya pero napaka strikta. Matangkad, maganda ang katawan pero hindi maamo ang mukha niya. Magdadahilan ka palang ay alam na niya ang totoo.

"And you are?" Tanong ni Wesley kay Ms. Roswell. Hindi ko man lang nakita na naintimidate siya sa itsura ni Principal parang wala lang sa kanya.

"I'm Quinn Roswell, principal ng Cuthbert Academy. Kanina pa kita inaantay sa opisina ko pero mukhang may humarang na sayo." Napayuko ako dahil sa akin na nakatingin si Ms.Roswell parang kakainin niya ako nang buhay.

"So tell me what kind of childish play they did to you?" Binaling na uli niya ang tingin niya kay Wesley.

"I don't know what you're talking about naglibot lang ako dito ng masalubong ko siya. Tinanong ko kung saan ang mga dorm dito."  Pagtanggi niya sa ginawa namin sa kanya.

Hindi ko alam bakit hindi niya sinabi kay Ms. Roswell ang nangyari pero nakahinga ako nang maluwag. Magpapasalamat ako sa kanya bukas.

"Sige Miss pasensya na sa abala. Makakaalis kana." Taboy niya sa akin.

Nagpaalam ako sa kanila at tumakbo na palayo sa kanila.

Habang tumatakbo ako may nakita akong parang papel na lumilipad pababa galing sa ere hinabol ko to at pinulot.

Larawan nang dalawang lalaki medyo nagulat pa ako dahil yung isang guy ay may malaking balat o peklat sa mukha. Yung isa naman ay pamilyar, hindi ako sigurado pero hindi yata sila taga Academy. Mukhang bata pa sila para makapasok dito.

Wesley POV

"Alam mo naba kung saan ang Skylar building? Doon ang dorm ng mga lalaki."

Tumango ako at nagpaalam na. Hindi ko gustong tumayo dito magdamag at pakinggang ang mga sasabihin niya.

"Mr. Philbert." Humarap ako at muling bumaling sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong pakay nila sayo." Nakita ko ang pagtingin niya sa grupo ng MCC na magkakasamang naglalakad malayo sa amin. "I know that you are aware of their existence. I hope you don't consider joining their childish games."

Alam kong hindi yon isang pakiusap kundi isang utos. Tumalikod nalang ako sa kanya. Isang araw palang ako dito pero may kakaibang nangyayari sa loob ng paaralan na to.

Nang makarating ako sa magiging silid ko dito sa dorm ay mabilis kong binuksan ang pintuan.

Pagpalapit ko sa lamesa ng kwarto ko para ilapag ang ilang gamit ko na mukhang iniwan lang sa sahig ng naghatid ay may napansin akong isang itim na sobre. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang sulat.

"Welcome to Cuthbert Academy little Philbert."

"The name of this building is Skylar, it means shelter and protection. Now let see if you really are protected because I will make all your life miserable until you beg for your own death."

"Do you still want to join the game?"

P.S
-by the way someone is starting to beg for his life.

****************

Ms. Laura and Sir Blair >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!