Chapter 40: A part of me will always wait for you

2.2K 61 7

Author's Note: Eto yung gabi na nasa headquarters sila sa Chapter 39: Case Closed (Yung part na hindi hinatid ni Wesley si Kenna.)

***************

A part of me will always wait for you

Kenna's POV

"Ms. Laura buti po pinayagan siya nila Ms. Roswell na makapag advance test?" Tanong ko dahil dito sa Cuthbert kailangan sabay sabay na mag eexam ang lahat. Ayaw nilang may mag leak sa exam kung may mauna o mahuli.

"Ah ayun ba? Magkakilala yata si Ms. Ebenezer at Mr. Prodigious." Ang liit talaga ng mundo. Hanggang saan kaya ang koneksyon naming lahat.

"Tara na isara na natin tong headquarters." Humihikab na sinabi ni Sir Blair. Pagod din siya dahil pabalik balik siya dito sa school at sa labas para sa investigation.

"Mauna na kami huh? Boys ihatid niyo sila." Habilin ni Ms. Laura bago siya hinili ni Sir Blair na mukhang babagsak na ang mata sa antok.


Tinignan ko si Wesley ihahatid niya kaya ako? Kasi pangalawang araw na to na hindi kami nagpapansinan ni Craig. Nung gabing hinalikan ako ni Wesley ay nag stay lang ako magdamag sa dorm ko, kagabi naman ay inihatid niya ako pero wala kaming napag usapan.


Nahuli ako ni Wesley na nakatingin sa kanya, siguro iniisip niya na naghihintay ako na alukin niya akong ihatid sa kwarto ko. Totoo naman pero tinignan niya lang ako pagkatapos ay inalis na uli niya ako sa paningin niya.

"Kenna ihahatid na kita." Alok ni Craig, wala akong nagawa kundi paunlakan siya. Sa bagay pagkakataon ko na to para makapag usap kami ng masinsinan.


Laglag ang balikat ko na tumalikod, ang gulo ni Wesley urong'sulong. Baka naman binibigyan ko lang ng malisya yung pagbabago ng ugali niya sa akin, pero hinalikan niya ako. Siguro naman sapat na yon para umasa ko.

Inalalayan na ako ni Craig palabas ng Cashile building. Binagalan ko yung paglalakad ko, umaasa ako na tatawagin nya ako na Hermione kagaya ng sinabi niya sa akin kapag tinalikuran ko siya.

"Nang huli kitang tinawag sa pangalan mong Kenna ay tinalikuran mo ako at sumama ka kay Craig pero naiintindihan ko yon dahil wala akong lakas ng loob para pigilan ka, pero pag naaalala ko kung paano mo ako tinalikuran naiirita ako, kaya sa tuwing tatalikuran mo ako hindi na kita tatawagin sa pangalan na Kenna."

Pero wala akong narinig. Mabuti pa ay tigilan mo na ang pag asa sa kanya, una sa lahat hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya sa akin. Complicated siya masyado.

"Kenna I'm sorry." Binasag ni Craig ang katahimikan namin.

"Ako dapat ang mag sorry sayo Craig. I know how much you care for me kaya mo nagawa yon." Inako ko ang nangyari. Alam ko naman na hindi siya makakaganoon dahil sa akin.

"Yes and no." Tinignan ko siya, hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin sa sagot niya.

"Yes I care about you kaya hindi ako papayag na basta ka nalang hahalikan ni Wesley and No, hindi lang yun ang dahilan." Paglilinaw niya. Please sana naman hindi na niya buksan yung topic na gusto kong iwasan. Hindi ko siya kayang saktan.

"Kenna I love you and it fvcking hurts to love you for so long. Umaasa ako na marealized mong ako yung lalaking para sayo pero sa isang iglap hindi na mangyayari yon dahil may mamahalin kang iba. Ang nakakagalit lang bakit sa taong binabalewala ka." Hindi ko alam paano ko siya ikocomfort lalo na kung ako naman talaga ang may kasalanan sa nararamdaman niya ngayon.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!